GMA Logo Martin del Rosario
Source: martinmiguelmdelrosario (IG)
What's Hot

Martin del Rosario, tampok sa dalawang upcoming movies

By Marah Ruiz
Published May 20, 2025 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

Martin del Rosario


May dalawang upcoming movies si Martin del Rosario. Alamin ang tungkol sa mga ito dito.

Booked and busy si Kapuso actor Martin del Rosario dahil dalawa ang pelikula niyang parating ngayong taon.

Isa na diyan ang Beyond the Call of Duty na action-drama tungkol sa mga buhay ng iba't ibang public servants.


Nakatakdang gumanap dito si Martin bilang isang SWAT officer.

Ibinahagi niya ang trailer ng pelikula sa kanyang Instagram account.

A post shared by PinoyFlix (@pinoyflixentertainment)


Makakasama ni Martin sa pelikula sina Paolo Gumabao, Devon Seron, at Maxine Trinidad.

Mapapanood naman sa mga sinehan ang Beyond the Call of Duty ngayong June.

Bukod dito, bahagi rin si Martin ng upcoming comedy film na Flower Girl na pagbibidahan ni Sue Ramirez

Iikot ang kuwento nito sa isang sanitary napkin endorser na mawawalan ng private parts dahil sa isang sumpa.

A post shared by The IdeaFirst Company (@theideafirstcompany)


Bukod kina Martin and Sue, bahagi rin ng pelikula sina Jameson Blake at Maxie Andreison.

Abangan ang Flower Girl, coming soon sa mga sinehan.

Katatapos lang ni Martin ng kanyang stint bilang sa primetime action series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Nabaril ang karakter niyang si Ivan at nahulog pa mula sa balkonahe.

Talaga bang patay na si Ivan or magbabalik pa ba siya para guluhin ang buhay ni Lolong, played by primetime action hero Ruru Madrid?

Patuloy na tumutok sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.