GMA Logo Martin del Rosario
What's Hot

Martin del Rosario, thankful sa payo at papuri ni Dolly de Leon

By Marah Ruiz
Published February 11, 2025 2:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 16, 2025 [HD]
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Martin del Rosario


Matapos mapanood ang "Anino sa Likod ng Buwan," nakatanggap ng payo at papuri si Martin del Rosario mula sa award-winning at veteran actress na si Dolly de Leon.

Lubos ang pasasalamat ni Martin del Rosario sa award-winning film and theater actress na si Dolly de Leon.

Isa si Dolly sa mga nanood ng special preview performance ng 2025 staging ng "Anino sa Likod ng Buwan" na pinagbidahan ni Martin kasama sina Elora Españo at Ross Pesigan.

Ito ang debut performance ni Martin sa teatro kaya mahalaga sa kanya ang feedback mula kay Dolly.

San kanyang Instagram account, ibinahagi ni Martin ang isang maikling video kung saan makikitang pinuri siya ni Dolly at binigyan pa ng payo tungkol sa pag-arte sa entablado.

"It's truly heartwarming to hear such kind words from someone I truly look up to. Thank you Tita @dollyedeleon ," sulat ni Martin sa caption ng kanyang post.

A post shared by Martin del Rosario (@martinmiguelmdelrosario)


Ang "Anino sa Likod ng Buwan" ay isang dula na isinulat ng award-winning writer at director na si Jun Robles Lana.

Noong 2015, ginawa niya itong pelikula na may parehong pamagat at pinagbidahan nina LJ Reyes, Anthony Falcon, at Adrian Alandy.

Itatanghal ito muli ngayong 2025 sa PETA Theater mula March 1 hanggang March 23.



Samantala, bahagi si Martin ng action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Gumaganap siya dito bilang kontrabidang si Ivan, ang tinik sa tagiliran ng bidang si Lolong na karkater naman ni primetime action hero Ruru Madrid.

Abangan si Martin sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.