
Bahagi sina Martin Escduero at Anthony Rosaldo ng #MPK o Magpakailanman episode na mapapanood ngayong Sabado, April 25.
Pinamagatang "Beki Basketball Beauties," gaganap si Martin dito bilang si Iwa na breadwinner ng kanyang pamilya. Si Anthony naman ay si Jade na boyfriend niya.
Tutol ang ama ni Iwa sa relasyon ng dalawa.
Inimbitahan naman nina Martin ang mga manonood na tunghayan ang episode.
Sigurado naman si Anthony na may mapupulot na aral ang mga viewers dito.
Bukod kina Martin at Anthony, tampok din sa episode sina Donita Nose, Kelvin Miranda, Buboy Villar at Phytos Ramirez.
Panoorin ang teaser ng episode dito:
Tunghayan ang "Beki Basketball Beauties" ngayong Sabado, April 25, 8:50 pm sa '#MPK.'