
Marami ang kinilig sa muling pagkikita ng Sparkle host and sportscaster na si Martin Javier at Miss Universe 2023 Top Ten finalist Michelle Dee.
Nagkasama ang dalawa sa coronation night ng Limgas ng Pangasinan 2024, kung saan judge si MMD.
Matatandaang naging celebrity searcher si Michelle sa It's Showtime segment na 'EXpecially For You' noong April 6. Samantala, isa sa tatlong contestants naman noon si Martin.
Nag-post ang Kapuso host ng selfie kasama ang beauty queen at humirit sa captions na, “Ang napili ngayong gabi.”
Marami namang netizens ang napa-comment at kinilig sa Instagram photo ng dalawa.
Sa 'EXpecially For You', napili ni Michelle Dee na maka-date ang Cebu-based lawyer na si Oliver Moeller.
RELATED CONTENT: MEET SPARKLE HOST MARTIN JAVIER