GMA Logo in thy name
Photo Source: viva_films on IG
What's Hot

Martyrdom of Filipino missionary priest featured on 'In Thy Name'

By Nherz Almo
Published March 6, 2025 6:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH defends bid to restore budget: Lower material costs, no projects to bring back
Palompon, Leyte cop found positive for shabu faces dismissal
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

in thy name


"It's about God's love story through the life of Fr. Rhoelle,” says director Ceasar Soriano about 'In Thy Name.'

Sakto sa pagsisimula Kuwaresma ang pagpapalabas ng pelikulang In Thy Name, na naglalahad ng kuwento ng martyred missionary priest na si Father Rhoel Gallardo.

Si Fr Rhoel ay isang Claretian priest na pinatay ng grupong Abu Sayyaf noon 2000. Ayon sa mga ulat, habang bihag ng bandidong grupo, lubos ding pinahirapan si Fr. Rhoelle upang talikuran niya ang pananampalataya at katapatan sa Simbahang Katoliko. Ngunit hindi sila nagtagumpay.

Sa premiere night ng pelikula nitong Martes, March 4, inihayag ng direktor nito na si Ceasar Soriano na personal niyang misyon na maipalaganap ang kaalaman sa sinapit ni Fr. Rhoel sa mga kamay ng Abu Sayyaf.

Aniya, “Para sa isang direktor na nakidnap noon… I was kidnapped by the Aby Sayyaf in 1994 and having been raised in Mindanao and a witness to the conflicts in Mindanao and the sacrifices of the military, at sa lahat ng mga biktima na nakasama ko noon--doon ako kumuha ng hugot para laliman pa yung istorya namin.

“This is my dream movie, bawat detalye ng pelikulang ito--mula sa mga sundalo, survivors--pinag-isipan po itong i-execute. Hindi man madali dahil hindi naman lahat puwedeng ipakita dahil this is only one and a half hours. But the story and the meat of the movie is there. It's about Fr. Rhoelle. It's about God's love story through the life of Fr. Rhoelle.”

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Noong 2021, sinumulang isulong ang beatification ng yumaong si Fr. Rhoel para maging susunod na Pilipinong Santo, kasunod nina San Pedro Ruiz at San Lorenzo Calungsod.

Kaugnay nito, labis ang pakiramdam ng aktor na si McCoy de Leon sa pagganap bilang Fr. Rhoel sa In Thy Name.

“Napakaespesyal nito kasi mayroong parang puwersa na gusto namin ituloy ito at maging grande, hindi lang maliit na bagay at simpleng pelikula. Nangangarap kami na ito'y maging isang iconic na film na tatak sa mga Pilipino. Kasi, alam naman natin na si Father Rhoelle ay gusto nating ma-beatify bilang pangalawang na Pilipino.

“Ang sarap sa pakiramdam na ako ang magiging mukha noon [sa pelikula] kaya binigay ko po ang puso't kaluluwa ko para lang maihatid ang tamang mensahe. Sana magustuhan ninyo at sana tumatak sa inyo at kahit papaano ma-touch ang faith ninyo ngayon,” lahad ng aktor.

Bukod kay McCoy, kabilang din sa cast ng pelikula sina JC de Vera, Mon Confiado, Alex Medina, Aya Fernandez, Ynez Veneracion, Soliman Cruz, at marami pang iba.

Samantala, tingnan ang mga aktor na bilang Hesus sa gallery na ito: