GMA Logo marvin agustin and jolina magdangal
source: mariajolina_ig/IG
What's on TV

Marvin Agustin, Jolina Magdangal, naging TOTGA ba ang isa't isa?

By Kristian Eric Javier
Published January 31, 2025 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

marvin agustin and jolina magdangal


Kung nabigyan ng pagkakataon, naging real kaya ang reel love team na sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal?

Isa sa mga pinakasikat na love teams noong '90s ang tambalan nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Sa katunayan, marami pa rin ngayon ang gustong napapanood ang dalawa sa isang proyekto.

Ngunit naging palaisipan din sa marami kung itinuturing ba nila ang isa't isa bilang "the one that got away" o TOTGA nila.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, January 30, sinabi ni Marvin na mahirap para sa kanilang sagutin ang tanong, lalo na at may asawa na ang kaniyang ka-love team.

Kaya naman para hindi sila mahirapan, sinabi ni Jolina na ituring na lang nila na ibig sabihin ng “the one” bilang kaibigan na espesyal sa kanila.

“I think hindi, kasi hindi naman siya nawala. Nandiyan pa rin s'ya para sa'kin pag kailangan ko ng kasama,” sabi ng actress-singer

Pagpapatuloy na man ni Marvin, “Parang isa du'n sa mensahe sa pelikula, parang one of the best relationships, friendships. Hinding-hindi mawawala at maninimbang lagi 'yung pagkakaibigan niyo sa isa't isa.”

TINGNAN ANG ILAN SA MGA REEL-TO-REAL CELEBRITY COUPLES SA GALLERY NA ITO:

Pag-amin pa ni Marvin, mas gusto nila ni Jolina ang nangyari sa kanila na nanatiling magkaibigan na lang.

Paliwanag niya, “Hindi namin masabi pero marami kasing naging talagang magjowa ta's ang tindi ng pinag-awayan, hindi mo na mapagsama ulit. So kami, parang nire-recognize namin na blessing din 'yun kasi ngayon, gusto at kaya namin to work with each other.”

Ayon pa kay Jolina, hindi naman sila kailanman nagkaroon ng matinding away ng kaniyang kapareha na magiging dahilan para hindi na sila muling magsama sa isang proyekto.

“Talagang ako, I enjoyed Marvin's company,” sabi ni Jolina.

Muling magsasama sina Marvin at Jolina sa pelikulang Ex Ex Lovers, na mapapanood sa mga sinehan simula February 12.