What's Hot

Marvin Agustin, may gustong tahaking career ngayong 22 years na siya sa showbiz

By Jansen Ramos
Published November 27, 2017 11:37 AM PHT
Updated November 27, 2017 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From CapQuin to KrysTon, here are the new duo formations in PBB Collab 2.0
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News



Ibinahagi ng balik-Kapuso at 'Kambal, Karibal' star na si Marvin Agustin ang kanyang pangarap. 

Twenty-two years na sa industriya ang primyadong aktor na si Marvin Agustin.

Nakilala ang aktor noong 1990s dahil sa mga pelikula niya kasama ang former Kapuso star na si Jolina Magdangal. Masaya siya sa naging takbo ng kanyang career sa showbiz pero inamin niya na mayroon siyang ilang regrets.

Saad niya, “Kung meron akong babalikan with my years in this industry, sana in-enjoy ko pa. Masaya ‘tong industry na ‘to.”

Bukod sa pag-aartista, pinasok na rin niya ang pagiging chef at pagnenegosyo pero ang showbiz ang pinaka-fulfilling career para sa kanya.

Pahayag niya, “Ang dami ko ng pinagkakaabalahan sa buhay ko, ‘di ba ang dami ko ng pinasok, pero this [showbiz] is the most fun and most fulfilling kasi kahit saan ako pumunta, may lumalapit sa 'kin na napanood ‘yung pelikula ko dati, ganyan, and the way I touched their lives, masarap na pakiramdam. 22 years in the industry, masaya ‘yung journey ko.”

Marami nang narating ang aktor pero nais din niyang gumawa ng pelikula at plano niya muling magsimula sa susunod na taon.

Paliwanag niya, “Syempre ‘yun naman ang ultimate dream ng director, [ang gumawa ng] pelikula. Mas iba ‘yung pressure ng pelikula kaysa kung TV lang, libre ‘yan. [Ang] pelikula kailangan mo talagang ma-convince ‘yung tao na magbayad.”

Panoorin si Marvin Agustin bilang si Raymond De Villa sa Kambal, Karibal simula mamayang gabi na, November 27.