What's on TV

Marvin Agustin, may payo sa mga teen actors na kanyang nakatrabaho sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published August 3, 2018 7:06 PM PHT
Updated August 3, 2018 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 29, 2025
No Christmas family visit for Sarah Discaya, says BJMP
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



May mahalagang payo si Marvin Agustin para sa mga batang katrabaho niya sa 'Kambal, Karibal.' Ano kaya ito?

Sa loob ng mahigit 20 na taon, kabisado na ni Marvin Agustin ang kalakaran sa showbiz industry.

Isa siya sa mga in-demand actors noong '90s dahil sa kanyang kakaibang charm at galing sa pag-arte. Pero, hindi siya nakuntento sa pagiging artista lang at naghanap pa ng ibang pagkakakitaan. Sa ngayon, isa na ring siyang successful entreprenuer na nagmamay-ari ng hindi bababa sa 50 na restaurants.

Marami nga ang humahanga sa kanyang pagiging maabilidad at, ayon sa kanyang mga katrabaho, very generous at humble din daw si Marvin. Maski nga sa kanyang mga nalalaman ay malugod niyang ibinabahagi sa kanyang mga kapwa-artista tulad na lamang ng mga teen actors na kanyang nakatrabaho sa Kambal, Karibal.

Maraming maraming salamat sa mahaba at magagandang memories natin Kambal Karibal family! . To the kids i worked with here, Pauline, Miguel, Bianx, Kyline, Dave, Chesca, Jeric, enjoy everything about our showbiz industry but dont take things too seriously. Pagbutihan nyo pa ang trabaho nyo pero wag gawing ito lang ang mundo mo at paikutin ang buhay mo sa showbiz. This profession can be forever kung tama ang pagaalaga mo sa career mo. Mahalin at pahalagahan lahat ng mga katrabaho mula staff, crew at mga kasamang artista. Maliit ang mundo natin kaya pasayahin at respetuhin lagi. . To GMA, director don, direk joron, production bosses Camille, Joy & Jing, prod staff and ofcourse the brilliant creative team, thank you thank you thank you for Raymond. I had so much fun doing it. Thank you for creating this character and allowing me to play Raymond wildly! I know how hard you guys worked for this story and production. It paid off! Great job guys! . At sa mga nanood at sumuporta sa min gabi gabi, kayo po ang dahilan bakit kami na extend ng na extend. Salamat sa pagmamahal nyo sa bawat characters at storya namin. Gusto pa sana namin, kaya lang natatakot na ako sa kasamaan ni Raymond, baka pati sarili ko mapatay ko na rin. . Watch our finale episode tonight! #kkundyingfinale @gmanetwork

A post shared by M A R V I N (@marvinagustin) on

Sa kanyang Instagram post, nagbahagi siya ng ilang tips para kina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza, Jeric Gonzales, Chesca Salcedo at Dave Bornea para mapangalagaan ang kanilang career.

Payo niya, "To the kids I worked with [in Kambal, Karibal], Pauline, Miguel, Bianx, Kyline, Dave, Chesca, Jeric, enjoy everything about our showbiz industry but don't take things too seriously.

"Pagbutihan n'yo pa ang trabaho n'yo pero 'wag gawing ito lang ang mundo mo at paikutin ang buhay mo sa showbiz. This profession can be forever kung tama ang pag-aalaga mo sa career mo.

"Mahalin at pahalagahan lahat ng mga katrabaho mula staff, crew at mga kasamang artista. Maliit ang mundo natin kaya pasayahin at respetuhin lagi."