
Ito ang matapang na pahayag ng aktor na si Marvin Agustin ngayong kinakaharap ng buong mundo ang panganib na dala ng COVID-19.
Diin ng aktor, "Kung ayaw tumulong, wag na magpahamak ng iba!"
WAG MAKASARILI! PERIOD! Kung ayaw tumulong, wag na magpahamak ng iba!
-- IG: @MarvinAgustin (@marvin_agustin) March 25, 2020
Dagdag pa ni Marvin, sa mga mahihirap na sitwasyon lalabas ang tunay na pagkatao ng bawat isa.
Nanawagan rin siya na kailangan nating gumawa ng mga tamang desisyon.
"In times of difficulty, thats when true colors of people come out. Eto ang panahon na magdadasal ka na lang na sana maging tama ang bawat desisyon natin araw-araw. Mahaba pa to guys. Hindi normal ang panahon, kailangan ng matino at maayos na pagiisip"
In times of difficulty, thats when true colors of people come out. Eto ang panahon na magdadasal ka na lang na sana maging tama ang bawat desisyon natin araw-araw. Mahaba pa to guys. Hindi normal ang panahon, kailangan ng matino at maayos na pagiisip
-- IG: @MarvinAgustin (@marvin_agustin) March 25, 2020
Payo rin ng aktor, maging matalino sa pagpili ng iboboto sa susunod na eleksyon.
"Maraming sakuna, patayan at delubyong nangyari sating Pilipino. Sana sa susunod na eleksyon, alalahanin natin na pag magulo ang sitwasyon ng bansa, ang mga pangalan na nilalgay natin sa balota, ang mga taong may kapangyarihang gawin ang nararapat para sa nakakarami. #Halalan2022"
Maraming sakuna, patayan at delubyong nangyari sating Pilipino. Sana sa susunod na eleksyon, alalahanin natin na pag magulo ang sitwasyon ng bansa, ang mga pangalan na nilalgay natin sa balota, ang mga taong may kapangyarihang gawin ang nararapat para sa nakakarami. #Halalan2022
-- IG: @MarvinAgustin (@marvin_agustin) March 25, 2020
Marvin Agustin alarmed about experiencing COVID-19 symptoms
Marvin Agustin offers help to Bela Padilla's fundraiser for street vendors