GMA Logo Marvin Mendoza and Tala Gatchalian
What's on TV

Marvin Mendoza at Tala Gatchalian, patuloy ang laban sa 'Tanghalan ng Kampeon season 2' Grand Finals

By Maine Aquino
Published November 20, 2024 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Marvin Mendoza and Tala Gatchalian


Abangan ang huling banggaan sa 'Tanghalan ng Kampeon' season 2 sa 'TiktoClock.'

Kumpleto na ang maglalaban sa titulong Grand Champion dahil pasok na sina Marvin Mendoza at Tala Gatchalian sa Tanghalan ng Kampeon season 2 Grand Finals sa TiktoClock.

Sa panibagong tapatan ng grand finalists ngayong Miyerkules ay ipinakita nina Marvin at Tala ang kanilang pang-kampeon na galing sa inampalan na sina Renz Verano, Hannah Precillas, at Daryl Ong. Parehong nagkamit ng perfect score o 15 stars sina Marvin at Tala.

Si Reign Marpuri ang nakalaban ni Marvin at si Jeffrey Dela Torre naman ang nakalaban ni Tala ngayong November 20.

PHOTO SOURCE: TiktoClock

Ibinahagi ni Marvin ang pasasalamat sa inampalan sa kaniyang pagkakapanalo ngayong araw.

"Kaya po ako naiiyak kasi po sobrang napakasaya po ng puso ko. Since day one po ng pagsali ko dito, sobrang ipinagpapasalamat ko po 'yung ma-appreciate po 'yung talent ko ng mga inampalan."

Hindi naman makapaniwala si Tala sa kaniyang pagkakapanalo ngayong araw. Ani Tala, "Thank you, Lord!"

Bukas, November 21, hihirangin na ang grand champion ng Tanghalan ng Kampeon season 2 sa TiktoClock. Abangan kung sino kina Trixie Dayrit, Jessa Mae Gallemaso, Lance Fabros, Marvin Mendoza, at Tala Gatchalian ang magwawagi sa live episode ng Tanghalan ng Kampeon season 2 grand finals sa TiktoClock.

Huwag kalimutang iboto ang kampeon mo sa Tanghalan ng Kampeon season 2 ng TiktoClock para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000! Bisitahin ang www.gmanetwork.com/TiktoclockKAMPEONKOYAN at tumutok sa TiktoClock sa November 18 hanggang 21.


SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA GRAND FINALISTS NG TANGHALAN NG KAMPEON SEASON 2: