What's Hot

Mas pina-astig pa sa 2015 ang Astig Authority!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 4:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jimmy Butler tears ACL, out for season —reports
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Halo-halong action, comedy at fantasy ang naghihintay sa inyo sa bagong lineup ng Astig Authority sa 2015!
By MARAH RUIZ



Halo-halong action, comedy at fantasy ang naghihintay sa inyo sa bagong lineup ng Astig Authority sa 2015!

Ang time travel anime na Time Quest na dati nang nakagiliwan nang lubos ang magbabalik para magbigay saya sa bagong henerasyon.

Samahan naman si Ali Baba at ang kanyang mahiwagang flute sa marami nilang mga pakikipagsapalaran sa Magi.

Para naman sa mahilig sa mecha, nariyan ang Gyrozetter kung saan mabibigyan ang estudyanteng si Kakeru Todoroki ng isang kotse na nagiging makapangyarihang robot.

Sa Ring ni Kakero naman, tutuparin ng magkapatid na Kiku at Ryuji ang pangarap ng kanilang ama na umabot sa championship ng boxing.

Isang spin-off naman ng sikat na detective series na Detective Conan ang Magic Kaito, kung saan susundan ni Kaito ang yapak ng kanyang ama at mabubuhay siya bilang si Phantom Thief Kid.

Tuloy naman ang magulo ngunit masayang buhay ni Hayate Ayasaki kasama ang mga naggagandahang babaeng housemates niya sa Hayate the Combat Butler: Can't Take My Eyes Off You at Hayate the Combat Butler: Cuties.

Mawawala ang mga alaala ng batang si Kamon Godai pati na rin ang dati niyang pagkahilig sa B-Daman. Mababago ang lahat ng ito nang makilala niya si Galvan sa Cross Fight B-Daman.

Halong mystery at comedy naman ang matutunghayan sa Martin Mystery.

Ang paboritong arcade game ng nakararami ay mapapanood na sa Pac-man and the Ghostly Adventures.

Isa namang classic ang mapapanood sa The Smurfs.

Mga bagong seasons naman ng Fairy Tail, Knockout, Pokemon, Toriko at Angry Birds Toons ang ipapalabas sa 2015. Ang huling season din ng hit anime series na Bleach ay dapat tunghayan sa bagong lineup ng Astig Authority.

Abangan ang lahat ng ito sa 2015 at manood ng mas astig at mas exciting na Astig Authority ng GMA.