GMA Logo Aiai Delas Alas at Antonio Aquitania
What's on TV

Masakit na eksena nina Aiai Delas Alas at Antonio Aquitania sa 'Raising Mamay,' pinaiyak ang viewers

Published April 27, 2022 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas at Antonio Aquitania


"Simula pa lang, ang sakit-sakit na," sabi ng isang viewer ng bagong GMA afternoon drama na 'Raising Mamay.'

Tatlong araw pa lang ipinapalabas ang bagong GMA drama na Raising Mamay ay bumuhos na agad ang luha ng mga manonood.

Sa episode ng serye ngayong Miyerkules, April 27, parang pinagsakluban ng langit at lupa si Letty (Aiai Delas Alas) matapos niyang malaman ang katotohanan tungkol sa anak niyang si Abigail (Shayne Sava).

Inamin mismo ng asawa niyang si Bong (Antonio Aquitania) sa harap ng kabit nito na anak niya si Abigail sa ibang babae. Nakabuntis si Bong habang kasal sila ni Letty.

Doon ay nakipaghiwalay rin si Letty kay Bong.

Nag-iba na rin ang pakikitungo ni Letty kay Abigail dahil naaalala niya ang kataksilang ginawa ng asawa kapag nakikita niya ang dalaga na minahal at pinalaki niya parang tunay na anak.

"Simula pa lang, ang sakit-sakit na," reaksyon ng isang Raising Mamay viewer na nagngangalang Careen Arevir De Lacuesta.

Comment

Ayon naman sa Facebook user na si Ai Leen May, "Double-kill" ang sakit na nararamdaman ng bidang si Letty.

Comment

Simula pa lang 'yan ng mga madadamdaming eksena sa Raising Mamay kaya tutukan ito Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon sa GMA.

Mapapanood din ang full episode ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Pinapaiyak man ng bidang si Aiai Delas Alas ang mga manonood, kabaliktaran naman ito ng mga mangyayari sa likod ng camera.

Tingnan ang masayang set ng Raising Mamay dito: