What's on TV

Masalimuot na nakaraan ni Darren sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published August 5, 2020 2:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spurs assert themselves, take down Thunder again in Christmas spotlight
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara and Jake Vargas in Kambal Karibal


Naunawaan na ni Crisan ang pinagdaraanan ni Darren matapos ikuwento ng ina nitong si Valerie ang masalimuot nitong nakaraan na kumitil sa buhay ng nobya ng binata.

Sa Episode 98 ng Kambal, Karibal, ibinunyag ni Valerie (Maricar De Mesa) kay Crisan (Bianca Umali/Kyline Alcantara) ang masalimuot na nakaraan ng kanyang anak na si Darren (Jake Vargas).

Ikinuwento niya na halos malagay sa bingit ng kamatayan si Darren dahil sa isang malagim na aksidente na ikinamatay ng kasintahan nitong si Phoebe (Inah de Belen).

Dahil dito, nakuhang intindihin ni Crisan si Darren at hinanap ang natapong beads ng bracelet na lucky charm pala na bigay ng yumaong nobya ng binata.

Kyline Alcantara at Jake Vargas sa Kambal Karibal

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.