What's Hot

Masaya kay Marian ang mga anak ni Mars Ravelo

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 29, 2020 5:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong lilipad na si Darna sa katauhan ni Marian Rivera, nagpahayag ng kanilang tuwa at suporta ang mga anak ng comicbook great na si Mars Ravelo sa aktres.
Ngayong malapit nang lumipad ulit si Darna sa katauhan ni Marian Rivera, nakausap ng iGMA ang mga anak ni Mars Ravelo tungkol sa kung ano ang masasabi nila sa aktres bilang bagong Darna. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. "Si Marian talaga ang first choice namin." ‘Yan ang unang pahayag ni Ruby Austria at Zaldy Ravelo nang tanungin namin sila kung masaya ba sila kay Marian Rivera as the new Narda/Darna. Idinagdag nila that they believe Marian is perfect for the part dahil sa iba ang hatak nito sa mga viewers. "Kasi iba 'yung charisma ni Marian—kahit bata gusto siya, kahit 'yung mga lalaki gusto siya. Siguro mayroon talaga siyang pang-hatak sa audience, sa mga viewers. Kaya nga siguro bigla siyang sumikat," ang pahayag ni Ruby. Inamin din nila that they are satisfied with how Marian and GMA7 are handling their father's masterpiece. "Very happy, at saka suki na kami ng GMA-7. Lahat ng stories ng father ko, number one sa Channel 7," ang dagdag naman ni Zaldy. Nabanggit din nila na very hands-on sila pagdating sa conceptualization ng story. Even ‘yung costume ni Darna, sila din ang nasunod kung ano ang magiging itsura nito. starsAng mga Ravelos talaga ang talagang nagde-decide kung anong kulay, kung pano 'yung style, at ang base sa pagkakaalam ko eh taga-Singapore pa daw ang gumawa ng pagkaka-style ng damit na 'to," ang sabi ni Marian during the Narda pictorial kung saan unang nakita ng press si Marian na naka-Darna costume. Sa huli, nagbigay ng message ang magkapatid sa bagong Darna: "Kay Marian, basta ano lang, paghusayan [niya], kasi ibang character si Darna compared kay Dyesebel eh, kailangang medyo mas active siya ngayon. Tapos dapat siguro i-maintain niya 'yung character niya na kahit na siya si Darna o Dyesebel, andun pa rin 'yung Marian, para 'yung fans niya, andun, naka-stick sa kanya, kahit anong character ang gawin niya. Pero kayang-kaya niya itong Darna." Pag-usapan ang bagong superhero ng bayan sa iGMA Forum! Puwede ka ring makakuha ng updates sa Darnaa from Marian herself. Just text MARIAN and send to 4627. Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers. (This service is available only in the Philippines.)