What's on TV

Masayang Saturday morning with the cast of 'AraBella,' mapapanood sa 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino
Published March 16, 2023 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Two high-speed trains derail in Spain, broadcaster reports 5 people killed
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Sarap, 'Di Ba?


Abangan ang masayang Saturday morning kulitan sa 'Sarap, 'Di Ba?' ngayong March 18.

Isang exciting morning with the cast of AraBella na sina Camille Prats at Althea Ablan ang ating mapapanood ngayong Sabado sa Sarap, 'Di Ba?

Ngayong March 18, makakasama nina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi sa isang weekend bonding sina Camille at Althea kasama pa ang riot na si Petite.

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?

Tampok sa episode na ito ang masasayang challenges at games na haharapin ng kanilang guests at nina Mavy at Cassy.

Mapapanood naman sa Sarap, 'Di Ba? kitchen ang "siga" recipe ni Happy Nanay Carmina. Ito ay ang Ginataang Sigarilyas.

Abangan ang masayang umagang hatid ng Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa Kapuso stream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel. Mapapanood din ang Sarap, 'Di Ba? sa Pinoy Hits Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.