GMA Logo Choi Yebin
What's Hot

Masusukat ang inyong pasensya kay Camille sa 'The Penthouse'

By Dianara Alegre
Published April 23, 2021 7:24 PM PHT
Updated April 23, 2021 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rain, cloudy skies over parts of PH
Alleged DI member wanted for murder, frustrated murder killed in clash
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Choi Yebin


Hanggang saan aabot ang kasamaan ni Camille para sa kanyang mga ambisyon?

Mapanonood na sa Lunes, April 26, ang highly-anticipated Korean drama series na The Penthouse na kinabibilangan ng mga award-winning actor sa South Korea.

Tampok dito sina Eugene, Kim So-yeon, Lee ji-ah, Uhm Ki-joon, Yoon Jong-hoon, Bong Tae-gyu, Yoon Joo-hee, Eun Kyung-shin, Ha Do-kwon, at marami pang iba.

Tungkol ang The Penthouse sa mayayamang pamilyang nakatira sa 100-floor luxury apartment, ang Hera Palace. Marami ang nag-aasam na tumira sa marangyang apartment dahil bukod sa magandang amenities nito, dito rin nakabatay kung gaano kalakas ang impluwensiya ng isang residente sa lipunan.

Iikot ang istorya sa ambisyon ng mga karakter na maipasok ang kanilang mga anak sa prestihiyosong school for the arts, ang Cheong-ah Arts School. Gagawin nila ang lahat para matulungang makapasok ang mga ito sa pinapangarap na eskweklahan kahit sa hindi patas na paraan.

Kabilang din sa cast si Choi Ye-bin na gumaganap bilang si Camille, ang unica hija nina Scarlet (Kim So-yeon) at Anton (Yoon Jong-hoo).

Source: yebin_ (Instagram)

Malaki ang gagampanang papel ni Camille sa serye na isa sa mga magpapahirap kay Rona (Kim Hyun-soo).

Siya ang isa mga bully na anak ng pinakamayayamang pamilya sa Hera Palace. Dahil sa kasikatan ng kanyang ina, malaking responsibilidad ang nakaatang sa kanya na makapasok sa prestihiyosong Cheong-ah Arts School at balang-araw ay makikilala ring isa sa mga sikat na opera singer sa South Korea.

Ngunit hindi magiging madali para sa kanya na makamit ang ambisyon niyang ito, lalo na at marami siyang kakumpetensiya sa titulo na maituturing na mas may kakayanan sa kanya kung ang pagbabasehan ay talento sa pag-awit.

Gayunman, maimpluwensiya ang kanyang pamilya, ang lolo niya ang director ng Cheong-Ah Arts School habang principal naman doon si Scarlet.

Hindi nila hahayaang mamantsahan ang kanilang mga pangalan at sa gagawin nila ang kanilang makakaya para lamang matulungan si Camille na maging pinakaangat sa lahat, kahit pa sa maling paraan.

Source: yoonjongactor_official (Instagram)

Pero sa pagtagal ng panahon ay hindi na makakayanan ni Camille ang pressure, na pati siya ay handa nang mandaya para huwag madismaya sa kanya si Scarlet.

Pero hanggang saan niya kayang akuin ang kanyang mga pagkakamali? Hanggang kailan niya maaatim ang panglalamang sa kapwa, at hanggang saan aabot ang kanyang kasamaan?

Source: yebin_ (Instagram)

Abangan ang mahusay na pagganap ni Choi Ye-bin bilang si Camille sa The Penthouse, mapanonood na simula Lunes, April 26, sa GMA!

Samantala, kilalanin ang powerhouse cast ng The Penthouse sa gallery na ito: