Article Inside Page
Showbiz News
Dalawang masuwerteng viewers na ang nanalo ng tig-P1 Million sa Kapuso Milyonaryo, ang pinakabago at pinakamalaking promo ng GMA Network.
Dalawang masuwerteng viewers na ang nanalo ng tig-P1 Million sa Kapuso Milyonaryo, ang pinakabago at pinakamalaking promo ng GMA Network.
“Walang patid po ang pasasalamat ko sa Kapuso Milyonaryo, di ko talaga akalain na pagkakalooban ako ng ganito kalaking halaga. Malaking tulong pampuhunan sa negosyo, tulong sa mga kamag-anak, at ipon sa bangko,” sabi ng unang surprise winner na si Norma Dumalogdog ng South Luzon.
Isa na ring bagong milyonaryo si Marilou Madrona. “Ninerbyos ako, kinabahan dahil ‘di ko akalain na totoo pala ito,” sabi niya nang surpresahin siya sa kanyang tahanan sa Quezon City.
Nabunot na rin ang mga weekly winners ng P10,000 each mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Ang ilan sa kanila ay nagpadala ng entries na may Power Up codes (na makikita sa www.gmanetwork.com/KapusoMilyonaryo) at nag-uwi ng additional P5,000.
Ikaw na ba ang susunod na Kapuso Milyonaryo?
Marami pang mabibiyayaan ng mga papremyo linggu-linggo. Labing-isang Kapuso viewers (pito mula sa weekly draw, apat sa surprise raffle) ang mananalo ng tig-P1 Million, tax-free!
Magkakaroon din ng 35 weekly winners ng tig-P10,000! At dahil sa lubos na pasasalamat ng GMA sa kanilang mga viewers, mamimigay ito ng additional P5,000 sa mga bibisita sa Kapuso Milyonaryo website. Isulat lang sa entry ang Power Code for the day at petsa kung kalian ito nakita.
“Sali na rin kayo! Dalawang entries lang [ang] hinulog ko tapos nanalo ako ng P1 Million,” dagdag ni Marilou.
May ilang linggo pang natitira para sumali sa Kapuso Milyonaryo. Nagsimula ang promo noong Hulyo 30 at tatakbo hanggang Setyembre 23.
Paano sumali
Kulektahin ang proof of purchase (POP) ng mga sumusunod na sponsor: GLOBE PREPAID, REBISCO CRACKERS. NESCAFÉ 3IN1, NESTEA ICED TEA, BEAR BRAND BUSOG LUSOG FAMILY CEREAL DRINK, YAKULT PROBIOTIC DRINK, AT CRISPY FRY BREADING MIX. Ilakip ang kinakailangang bilang ng POP kasama ang isang papel na naglalaman ng iyong pangalan, address, edad, contact number, at lagda.
Sa likod ng sobre, isulat ang “Kapuso Milyonaryo”, ang brand na inilakip at ang lugar ng iyong tirahan.
Ipadala o ihulog ang entries sa GMA Network Center, GMA Regional stations, GMA Radio stations, o sa mga Mercury Drugstores nationwide.
Para sa karagdagang detalye, abangan araw-araw ang Kapuso Milyonaryo plugs sa GMA 7 at GMA News TV (GNTV) o mag log-on sa www.gmanetwork/KapusoMilyonaryo.
Subaybayan ang mga susunod na announcement ng winners sa mga palabas ng GMA 7 at GNTV.
I-aanounce ang pangalan ng lahat ng Grand Prize winners sa Manny Many Prizes sa Setyembre 30, Linggo.