GMA Logo matet de leon and nora aunor
What's Hot

Matet De Leon at Nora Aunor, nagkaayos na matapos ang issue sa negosyo

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 9, 2023 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

matet de leon and nora aunor


Nilinaw ni Matet na hindi nila "gimmick" ng kanyang ina ang pagtatampuhan para i-promote ang kani-kanilang negosyo.

Masayang ibinalita ni Matet De Leon na nagkaayos na sila ng kanyang inang si Nora Aunor matapos hindi pagkakaunawaan dahil sa kanilang mga negosyo.

Matatandaang sumama ang loob ni Matet nang maglabas si Nora ng produktong kapareho ng ibinibenta ng kanyang anak.

"Kami ni Mommy ko ay nagkaayos na," pagbabalita ni Matet sa kanyang 'Dear Mars' live sa YouTube noong Sabado, January 7.

"I think I spoke too soon when I said I didn't want to talk to her. See what anger can do? Gulat about what happened."

Dagdag ni Matet, nagpadala ng mensahe ang Superstar sa kanya sa pagsapit ng bagong taon upang iwan na ang kanilang naging tampuhan.

"Nag-chat sa akin si Mommy na sana maging maayos na, maging okay na kami, na sana, kasi bagong taon, kalimutan na natin 'yung mga nangyari nitong nakaraan," kuwento ni Matet.

"Who am I not to say yes to that and to agree? Sino ako? Wala. Wala ako. Ang Diyos nagpapatawad. Ang mali ko lang doon, sinabi ko na hindi ko na siya kakausapin, hindi ko pala kaya.

"Isipin din natin, may edad na si Mommy. Hindi na namin patatagalin 'yun. Siya mismo ang nag-chat sa akin."

Nilinaw rin ni Matet na hindi lang nila gimmick mag-ina ang tampuhan para ma-promote ang kani-kanilang mga negosyo.

Aniya, "Maaring sabihin ng tao na gumimik lang kami. Definitely, lahat ng taong nakatrabaho ko at naging kaibigan ko na kilala ako, alam na alam nila na hindi ko gagawin 'yan.

"Kami po ay mga tindero at tindera, simple lang kami."

Bukod sa pagkakaayos nina Nora at Matet, wala na rin diumanong problema si Nora sa iba pa niyang anak.

"Ito, masasabi ko, si Mommy, okay siya sa lahat saming mga anak. Okay na. Okay na 'yun," pagtatapos ni Matet.

Panoorin ang buong pahayag ni Matet dito:

SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA PANG ADOPTED CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO: