
Sina Matet de Leon at Vanessa Peña ang bibida sa bagong episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Single Mommies and Me," tungkol ito sa striktong nanay at sa anak niyang nasasakal dahil sa kanyang paghihigpit at pagbabantay.
Gaganap si Vanessa bilang Kaila, recent college graduate na nagsisimula nang magtrabaho. Si Matet naman ay si Risa, single mom na laging nag-aalala sa kanyang anak.
Single mom din ang nanay ni Risa na si Mamu Cita (Evelyn Santos) na katuwang niya sa pagpapalaki kay Kaila. Natatakot si Risa na matulad sa kanila ang kanyang anak. Kaya kahit matanda na ang anak, hindi pa rin niya ito pinapayagang mag-boyfriend. May curfew din si Kaila at marami pang ibang patakaran na kailangang sundin.
Dahil dito, matututong maglihim ang anak sa kanyang ina.
Paano kung gusto na ng kalayaan ni Kaila mula kay Risa? Magkakaroon kaya ng compromise ang mag-ina?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Single Mommies and Me," December 8, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.