What's Hot

Matet de Leon, inilarawan ang pagmamahal ni Nora Aunor sa kanilang magkakapatid

By Maine Aquino
Published May 30, 2026 4:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mitsubishi teases Pajero comeback
Gazini Ganados needs 100k votes for MGI All Stars
Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento marks 16 years with a two-part anniversary special

Article Inside Page


Showbiz News

matet de leon


Matet de Leon: "Pantay-pantay ng turing."

Muling inalala ni Matet de Leon ang pagpapalaki sa kanila ng kanyang inang si Nora Aunor.

Si Matet ay isa sa mga ampon ng yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor. Sa kanyang panayam sa I-Listen with Kara David, ibinahagi niya ang kanilang buhay noon kasama ang ina at kung paano nito ipinadama sa kanila ang tunay na pagmamahal bilang mga anak.

Ayon kay Matet, hindi niya kailanman naramdaman na isa siyang ampon dahil pantay-pantay ang pagtrato ni Nora sa lahat ng kanyang mga anak.

Matet de Leon

PHOTO SOURCE: GMA Public Affairs / I-Listen with Kara David

"'Yung sa amin alam mo never namin naramdaman na adopted because parehas ang turing eh sa tunay na anak. Parehas na parehas. Minsan mas kami pa paborito... Siya, itong buwan na 'to siya ang paborito tsaka 'yung dalawang lalaki sa akin galit. Pare-parehas, e. Pantay-pantay ng turing."

Dagdag pa niya, walang pagkakaiba sa pagdidisiplina ni Nora sa kanila.

"Kung sino ang papagalitan, ikaw ang papagalitan. Kung anak ka man or ampon o ano, wala eh. Hindi namin talaga na-feel sa kanya."

Saad naman ni Kara David kay Matet, "Kasi para kay Nora Aunor, ang anak ay anak."

Related gallery: Mga anak ni Nora Aunor, emosyonal sa pag-alala sa Superstar

Ikinuwento rin ni Matet kung paano inilahad ni Nora na siya ay ampon.

"Sinabi niya na bandang 12 na ako. She felt like, "Ah, it was time." Tinawag ako and then she said, "Alam mo ikaw?" sabi niya, "Anak kita. Si kuya mo lumabas sa katawan ko, pero kayo anak ko kayo sa puso. Ibinigay kayo ng Diyos sa akin."

Inamin din ni Matet na nagpanggap siyang hindi pa niya alam ang tungkol sa kanyang tunay na pinagmulan nang kausapin siya ng ina.

"Umarte ako ng kunyari hindi ko pa alam kasi baka magalit siya kay ate."

Naalala rin niya na halos magkapareho ang naging paliwanag ni Nora at ng kanyang ate na si Lotlot de Leon tungkol sa pagiging ampon nila.

"Same sila ni Ate Lot actually ng pagkakasabi, 'Hindi pwedeng may dumating na tao sa buhay mo na hindi binigay ng Diyos sa iyo. Hindi pwede yun.' So, ibinigay kami ng Diyos talaga sa kanya at may rason kung bakit naging anak kami ng nanay namin."

Ibinahagi rin ni Matet ang isang emosyonal na bahagi ng kanyang kuwento. Ayon sa kanya, ang lola niya, na ina ni Nora, ang unang kumuha sa kanya bilang sanggol. Ngunit nang siya ay mag-isang taong gulang, pumanaw ang kanyang lola sa mismong araw ng kanyang unang kaarawan habang papunta sa kanyang birthday party.

"When my lola died, my grandma, ang mommy ni mommy, siya ang kumuha sa akin. But after a year, 1 year old, first birthday party ko, my lola died on my birthday. On her way to my party, she died. So naging death anniversary na yung birthday ko."

Sa kabila nito, sinabi ni Matet na pinili pa rin siyang alagaan at mahalin ni Nora.

"May choice si mommy na ibigay na lang, ibalik na lang ako kasi mare-remind din siya eh ng pagkawala ng nanay niya. Hindi niya ako binalik."

Balikan ang showbiz career ni Nora Aunor dito: