GMA Logo matet de leon and nora aunor
What's Hot

Matet De Leon, masama ang loob sa inang si Nora Aunor dahil sa isyu sa negosyo

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 6, 2022 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

matet de leon and nora aunor


Matet de Leon: "[N]agulat na lang ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko?"

Masama ang loob ng aktres na si Matet De Leon sa kanyang inang si Nora Aunor dahil nalaman nitong naglabas ang Superstar ng produktong katulad ng ibinibenta niyang gourmet products.

Sa Instagram, ibinahagi ni Matet ang larawan ng produkto ng Ate Guy's na Gourmet Tinapa, at Gourmet Tuyo na direktang kakumpitensiya ng mga itinitinda rin niya, ang Casita Estrada.

Sulat niya sa caption, "Would you do this to your children? HONOR THY FATHER AND MOTHER. HOW? How can I do that now? Ay, AMPON PALA AKO."

Si Matet ay isa sa mga inampon ng dating mag-asawang sina Nora at Christopher De Leon, kasama sina Lotlot De Leon, Kiko, at Kenneth.

Pagpapatuloy ni Matet, "Nung isang gabi, sinabihan ako na mag-resell na lang ng products ng nanay ko. Pinaghihirapan namin ang pagtitinda, bakit all of a sudden, nagulat na lang ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko."

"Alam niyang may produkto akong ganyan...marami naman daw akong taping. Ano sa tingin niyo gagawin ko ngayon? Ano magandang gawin? Kung may anak kayo, GAGAWIN NIYO BA SA MGA ANAK NIYO TO?"

A post shared by Matet (@misismatet)

Noong Linggo ng gabi, December 4, 2022, nag-live si Matet sa kanyang YouTube channel upang linawin na hindi niya sigurado kung ang Superstar mismo ang nasa likod ng negosyong Ate Guy's o isang tao na malapit dito.

"Noong Wednesday [November 30)] natutulog ako, ang sarap nung tulog ko nung hapon, grabe 'yung siesta. Paggising na paggising ko, si Mommy, meron siyang message. Siyempre, 'pag si Mommy nag-message sa akin, 'Ay, nagmessage si Mommy. Anong kailangan ni Mommy?'" pagbabalik-tanaw ni Matet.

"Kailangan kong attend-an 'yung pangangailangan ng mommy ko. Unang-una kong nakita 'yung sinend sa akin ng mommy ko na mga produkto nga niya.

"Naloka ako talaga! As in, nag-hyperventilate ako dahil pagdilat na pagdilat ng mata ko, chineck ko 'yung phone ko [kung] anong oras ako naising, pagkita ko may message si mommy, 'yun 'yung minessage niya sa akin.

"So, hindi ko pa alam kung ano ang rason kung bakit niya sinend pa sa akin 'yung pictures na 'yan kasi hindi ko na siya gustong kausapin."

Dagdag na paliwanag ni Matet, "bad trip" siya sa ginawa ng ina dahil pareho ang produktong kanilang ibinibenta.

"Bakit ba ako naba-bad trip nang sinend niya sa akin yung mga tuyo niya, tsaka mga tinapa niya? Kasi, meron ako nito. Meron ako nito, o, tuyo, meron din akong tinapa.

“Alam ni Mommy ito, alam niya ito na meron ako nito."

Panoorin ang buong kwento ni Matet dito:

SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA PANG ADOPTED CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO: