GMA Logo Matet de Leon
SOURCE: GMA Public Affairs
What's Hot

Matet de Leon, may pagsisisi ba sa maagang pagpasok sa showbiz?

By Hazel Jane Cruz
Published December 3, 2024 1:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Matet de Leon


Ayon kay Matet, ang pinakamemorable na alala niya noong pagkabata ay ang kaniyang pagiging artista.

Isa si Matet de Leon sa pinakakilalang child star noong '90s na tuluy-tuloy pa rin ang showbiz career ngayon.

Kaya namang nagbalik-tanaw siya sa kaniyang experince bilang isang child star sa kaniyang latest appearance sa GTV cooking talkshow na Lutong Bahay kasama sina Mikee Quintos at Chef Ylyt.

“Actually, nagkamalay ako, artista na ako,” kuwento ni Matet. “So, noong bata ako, ang pinaka[naaalala] kong memory [ay] artista na ako.”

Very aware din si Matet na siya ay galing sa isang prominenteng pamilya sa showbiz noon. Siya ay isa sa mga anak nina Superstar Nora Aunor at Christopher de Leon.

Ayon kay Matet, “Growing up, alam ko na artista si mommy, superstar. Ang daming fans! 'Tapos, si ate ko [Lotlot de Leon], napapanood ko siya sa TV and lagi siyang umaaga nang umuuwi from work.”

Related gallery: Child stars of the 90s and 2000s, where are they now?

Sa kabila ng maagang simula sa showbiz, masayang sinabi Matet na wala siyang na-miss sa kaniyang childhood dahil sa pagpapalaki ng kaniyang ina.

“Wala [akong na-miss sa childhood] kasi ang mommy ko, magaling. Sikat ako noon, e. Pero si mommy, [sabi niya], 'sobra ka na yata' [kaya] pagdating ko ng grade 1, pinatigil niya akong mag-artista,” kuwento ni Matet.

Dagdag nito, “As in walang shooting, walang anything, pero meron akong mga GMA Supershows, meron akong mga guesting…”

Ngunit kabila ng masayang karera ni Matet noon at ngayon, sinabi nito na ayaw niyang pasabakin sa showbiz ang kaniyang mga anak.

“Walang may gustong mag-artista [sa pamilya ko], at kung mayroon man, hindi ako papayag,” sabi ni Matet.

Dahil daw ito sa kaniyang pamangkin na si Janine Gutierrez, na anak ng kanyang Ate Lotlot sa aktor na si Monching Gutierrez

Kuwento ni Matet, “Sa pamangkin ko pa lang, hina-highblood na ako. Kapag bina-bash [si Janine], nang-aaway talaga ako. Kasi 'yung pamangkin ko, napakabait na bata nun, tapos pinalaki nang maayos ng mga magulang niya tapos bababuyin lang…”

Samantala, tingnan ang ilang pang kilalang pamilya sa showbiz dito: