If you think the Nae Nae dance craze is over, think again.
By AL KENDRICK NOGUERA
Hindi pa rin tapos ang Nae Nae dance fever dahil hindi magpapatalo ang InstaDAD cast lalo na si Matet de Leon na malapit na ang kabuwanan!
Sa isang video na in-upload ni Ruru Madrid, kitang-kita na game na game pa ring gumiling ang buntis na si Matet kasama ang kanyang co-stars na sina Gabby Eigenmann, Ash Ortega, Gabbi Garcia, Juancho Trivino, Prince Villanueva at ilang production staff ng family-oriented show.