GMA Logo matet de leon
SOURCE: GMA Public Affairs
Celebrity Life

Matet de Leon, nagkuwento tungkol sa kanyang bipolar disorder

By Hazel Jane Cruz
Published December 3, 2024 12:01 PM PHT
Updated December 3, 2024 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

matet de leon


Matet de Leon sa kaniyang bipolar disorder: 'Hindi siya madali, mahirap siya.'

“Hanggang 2022, parang wala akong naramdaman na [may bipolar disorder ako], parang normal.”

Ito ang kuwento ni Matet de Leon kina Mikee Quintos at Chef Ylyt sa kaniyang latest apperance sa GTV cooking talkshow na Lutong Bahay, kung saan nag-open up ito tungkol sa kaniyang bipolar disorder.

Matatandaang na-diagnose si Matet de Leon ng bipolar disorder noong 2022.

Ayon kay Matet, ang kaniyang doktor ang nakapansin ng mga sintomas ng pagiging bipolar na siya namang inaksiyunan ng dating childstar.

“Napansin ng doctor ko 'yung manic [episodes ko] like pagbili masyado [at] paggastos nang hindi masyadong nag-iisip. At saka [napansin din] 'yung medyo mataas 'yung energy [ko].” kuwento ni Matet.

Nagsimula naman itong mag-take ng medications noong makaranas ng depresyon.

“Noong nag-extreme low ako, [which] I have never experienced in my life ever, noong January 2023 na 'yun, sabi ko, ito na, iinom na ako ng gamot,” ani Matet.

Proud namang ibinahagi ni Matet na ang kaniyang pamangkin na si Janine Guiterrez ang nag-convince sa kaniyang mag-take ng medications.

Very supportive din ang family ni Matet sa kaniyang journey.

Ayon kay aktres, sobrang hands-on ng kaniyang anak na si Mica sa pag-aasikaso sa kanilang pamilya tuwing may nararamdaman si Matet.

Samantala, naging ray of sunshine naman nito ang kaniyang baby girl na si Mia.

“Hindi siya madali, mahirap siya. Pero with the help of your therapist, 'yung tamang medication, at saka 'yung suporta at pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan, 'yan 'yung magpapagalaw sa 'yo,” kuwento ni Matet.

Samantala, narito ang ilang pang celebrities na nagkuwento tungkol sa kanilang mental health condition: