GMA Logo matet de leon
What's Hot

Matet de Leon, sinagot ang mga komentong 'ampon' at 'laos'

By Aedrianne Acar
Published December 7, 2022 10:19 AM PHT
Updated December 7, 2022 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

The roofkeepers of Uyugan, Batanes: Keeping the Ivatan home alive
'Wilma' weakens into LPA near Cataingan, Masbate
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

matet de leon


Alamin ang naging sagot ni Matet de Leon sa nagsabing "laos" na siya rito:

Mainit pa ring pinag-uusapan ang tampuhan sa pagitan ni Superstar Nora Aunor at kaniyang anak na si Matet de Leon.

Nag-ugat ang problema nang malaman ni Matet na nagsimula rin ang kanyang ina ng gourmet tuyo at tinapa business, na direktang kakumpitensya ng kanyang negosyong Casita Estrada.

Sa Instagram Story ng dating InstaDad actress, ipinakiuta niya ang masakit na salitang ipinadala sa kaniya ng isang netizen sa pamamagitan ng direct messaging.

“Papansin ka lang e. Laos is real Yeah! Ampon ka sabi mo kaya dapat tumanaw ng utang na loob sa nagpalaki sa'yo.”

Sa screenshot nito, sinagot ni Matet, “Hi po nalalaos ang supporting actors. Mga bida lang po. Labyu.”

Sa kaniyang vlog nitong weekend, aminado ang aktres na masakit ang ginawa ng kaniyang Mommy Nora.

Lahad niya, "Bakit ba ako naba-bad trip nang sinend niya sa akin yung mga tuyo niya, tsaka mga tinapa niya? Kasi, meron ako nito. Meron ako nito, o, tuyo, meron din akong tinapa.

“Alam ni Mommy ito, alam niya ito na meron ako nito."

Adopted child si Matet ng showbiz veterans na sina Nora at Christopher de Leon, pati rin ang mga anak nilang sina Lotlot de Leon, Kenneth, at Kiko.

Meron din biological son ang dating mag-asawa na si Ian de Leon.

TINGNAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI MATET DE LEON DITO: