GMA Logo lolong
What's on TV

Matinding bakbakan, mapapanood ngayong gabi sa 'Lolong: Pangil ng Maynila'

By Marah Ruiz
Published April 25, 2025 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippines at the 2025 SEA Games: List of gold medalists
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

lolong


Kaliwa't kanan ang mga pwersang gustong magpabagsak kay Lolong sa 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Isang matinding bakbakan ang mapapanood ngayong gabi sa primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Nakarating na sa Tumahan ang balitang buhay pa si Lolong (Ruru Madrid) kaya susugod sa Maynila sina Julio (John Arcilla) at Dona (Jean Garcia) para siguraduhing maililigpit siya.

Sisikapin naman ni Ivan (Martin del Rosario) na tapusin ang sinumulan niya at unahan si Rolly (Saviour Ramos) na bagong pinagkatiwalaan ni Julio para patayin si Lolong.

Isang post na ibinahagi ni GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)


Tukoy na rin ng mga vigilante hunters na si Lolong nga ang tinaguriang "Alias Pangil ng Maynila" kaya sisimulan na nina Agent Tony (Ashley Ortega) at Agent Charm (AC Bonifacio) ang pagtugis dito.

Isang post na ibinahagi ni GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)


Samantala, magsasama sina Lolong at Bokyo (Mikoy Morales) para sa isang misyon.



Patuloy na tumutok sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.