GMA Logo Widows Web
What's on TV

Matinding eksena sa 'Widows' Web,' patok sa netizens!

By Dianne Mariano
Published March 23, 2022 6:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Widows Web


Patok sa netizens at pinag-usapan pa online ang matinding eksena na naganap sa recent episode ng kauna-unahang suspenserye ng GMA.

Noong nakaraang Lunes (March 21), nasaksihan sa Widows' Web ang kaguluhang nangyari sa pamamahay ng mga Sagrado dahil sa matinding pag-aaway nina Jackie (Ashley Ortega) at Barbara (Carmina Villarroel).

Matatandaan na base sa last will at testament ni Alexander Sagrado III o AS3 (Ryan Eigenmann), ibinigay nito ang Sagrado estate sa kanyang asawa na naging sanhi ng galit ni Barbara.

Mapapanood din sa naturang episode na pinaimpake pa ni Jackie kina Delia (Mosang) at Rose (Karenina Haniel) ang mga gamit ni Barbara upang palayasin ito sa bahay.

Umani ng maraming reaksyon mula sa netizens ang matinding eksena kung saan nagkagulo ang mga tao sa loob ng Sagrado estate dahil sa pag-aaway nina Jackie at Barbara.

Sa katunayan, marami sa netizens ang humanga sa galing ng pag-arte ng cast sa kaganapang iyon.

Bukod dito, umabot na rin nang halos 2.7 million views ang video clip ng naturang scene ng cast sa official Facebook page ng GMA Drama.

Balikan ang buong episode ng Widows' Web sa video sa ibaba.

Huwag palampasin ang maiinit na mga tagpo sa kauna-unahang Kapuso suspenserye tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, silipin ang behind-the-scenes sa lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito.