GMA Logo Ashley Ortega, Pinky Amador, Elle Villanueva, Derrick Monasterio
Photo source: GMA Drama
What's on TV

Matinding puksaan nina Pinky Amador at Ashley Ortega sa 'Apoy sa Dugo,' umani ng reaksyon at papuri

By Karen Juliane Crucillo
Published March 13, 2026 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, 5 rescued in anti-online sexual abuse ops in Mati
Filipino spying for China says sensitive info obtained from PCG official
The 2026 Miss Universe PH queens are elegant in their evening gowns

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega, Pinky Amador, Elle Villanueva, Derrick Monasterio


Pinag-usapan ng netizens ang matinding puksaan nina Pinky Amador at Ashley Ortega sa 'Apoy sa Dugo.'

Tuluyang nag-init ang dugo ng netizens sa matinding puksaan nina Pinky Amador at Ashley Ortega sa Thursday episode noong March 12 ng Apoy sa Dugo.

Sa naturang episode, nag-gate crash si Angel (Ashley Ortega) sa isang fiesta kung saan imbitado ang pamilya nina Sylvia (Pinky Amador), Carlito (Ricardo Cepeda), Vanessa (Elle Villanueva), at Marco (Derrick Monasterio). Sinunog din ni Angel ang damit ng pari, na nagdulot ng malaking eksena sa fiesta.

Kasunod ng pagsunog, agad namang inakusahan ni Sylvia si Angel bilang responsable sa insidente. Dahil dito, nauwi sa sabunutan sina Sylvia at Angel. Pinagtanggol naman ni Vanessa si Angel, habang ipinagtanggol ni Marco ang kanyang ina na si Sylvia.

Mula sa intense na pagsunog at sabunutan, namangha ang netizens at tila kuhang-kuha ang gigil nila sa eksena. Pinuri rin ng viewers at fans ang husay nina Pinky at Ashley sa pagganap bilang kontrabida.

Narito ang ilang reaksyon ng viewers sa puksaan nina Angel at Sylvia:

Kamakailan, hinangaan ng viewers at fans ang pagiging kontrabida ni Ashley at ang nakakatakot na aura niya bilang Angel.

Umabot naman sa 20.7 million views ang pilot week ng Apoy sa Dugo sa online platforms.

Patuloy na tutukan ang mas matitinding eksena sa Apoy sa Dugo mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, tingnan dito ang behind the scenes sa set ng Apoy sa Dugo: