GMA Logo Matt Lozano and Daniela Stranner
Courtesy: riverjoseph (IG), xyrielmanabat_ (IG)
What's Hot

Matt Lozano at Daniela Stranner, naging close sa 12 oras na biyaheng pa-Bicol

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 7, 2025 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Matt Lozano and Daniela Stranner


Ano kaya ang nadiskubre nina Matt at Daniela sa isa't isa sa kalahating araw nilang magkasama sa sasakyan?

Unang pagkakataon pa lang na magkatrabaho ang Kapuso actor na si Matt Lozano at Kapamilya actress na si Daniela Stranner para sa pelikulang The Last Goodbye pero naging close agad silang dalawa.

Sa Camarines Norte kasi kinunan ang pelikula kaya naging close sina Matt at Daniela nang mag-roadtrip sila nang mahigit 12 oras.

"Hindi kami nag-fly going to Bicol. Nag-van ride kami, so 12 hours kami magkasama sa van, doon lang kami nagkakilala," kuwento ni Daniela.

Ano kaya ang nag-discover nina Matt at Daniela sa isa't isa noong kalahating araw silang bumabyahe?

Sagot ni Matt, "Ako kasi, siyempre 'yung role mo sa past [show] mo, 'Hala, baka masungit.' Pero super sweet niya nung first time namin magkakilala."

Papuri naman ni Daniela, "Kitang-kita naman na Matt is such a sweet guy. Ang dating sa akin, magka-same age, super nag-vibes kami, ang bilis niya pong maka-vibe."

A post shared by Mavx Productions Inc. (@mavxproductions)

Showing na sa mga sinehan ang The Last Goodbye na idinerehe ni Noah Tonga.