
Hindi inaasahan ni Matt Lozano na agad niyang makaka-close ang award-winning child actor na si Euwenn Mikaell sa Forever Young.
Sa inspiring family drama, napapanood sina Matt at Euwenn bilang ang mag-best friend na sina Ompong at Rambo.
Kuwento ni Matt, natakot siya kay Euwenn noong unang taping day niya. Aniya, "Noong una natakot ako sa kanya kasi sabi ko, 'Baka sungitan ako ni Euwenn.'
"Kasi hindi naman niya ako masyadong kilala nu'n. Pero hindi ko alam, first scene namin together very charming na kaming dalawa sa isa't isa."
Dagdag ni Matt, mas naging close pa sila ni Euwenn on and off-cam.
"'Yung mga paapir-apir namin na 'ikasa mo, boy.' Nagsimula sa ganu'n lalo kami naging mas close pa... Pinakagusto ko 'yung closeness namin na every time na magkikita kami, mayroon kaming apir. Kahit off-cam ginagawa namin 'yon."
Ayon pa kay Matt, hindi rin siya nahirapan sa kanilang mga eksena ni Euwenn dahil sa husay ng batang aktor.
"Si Euwenn kapag kasama mo siya hindi mo talaga siya matatrato as bata kasi very matanda siya magsalita.
"Saktong-sakto sa roles namin, 25 years old siya ganu'n yung energy na ibinibigay niya sa akin, so ganu'n din 'yung energy na ibinibigay ko sa kanya. I'm very happy na close kami ni Euwenn."
Patuloy na subaybayan ang kulitan nina Matt at Euwenn sa Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG 'FOREVER YOUNG' CAST SA KANILANG SET DITO: