
Isang espesyal na kuwento para sa Father's Day at Pride Month ang mapapanood sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Bibida dito sina Kapuso singer and actor Matt Lozano, kasama sina Ricky Davao at Isay Alvarez.
Bibigyang-buhay nila nag kuwento ni The Clash Season 2 Top 12 finalist Alfritz Blanche at ng tatay niyang si Arnulfo.
Very supportive is Arnulfo sa anak niyang si Alfritz. Tanggap niya ang pagkatao nito bilang isang out and proud gay man at sinusuportahan din niya ang pangarap ng anak na maging isang singer.
Sa katunayan, si Arnulfo pa mismo ang nagturo at nagsasanay kay Alfritz sa pag-awit. Kasabay ng pag-usad ng career ni Alfritz ang pagbagsak ng kalusugan ni Arnulfo.
Maaabot ba ni Alfritz ang kanyang mga pangarap o isasakripisyo niya ito para alagaan si Arnulfo?
Abangan ang brand-new episode na "Papa's Boy," June 15, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
May delayed telecast din ito sa Pinoy Hits, 9:45 p.m.