
Sina Matt Lozano at Sarah Edwards ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Magtatambal ang dalawa sa episode na pinamagatang "My Basher, My Lover."
Gaganap si Sarah bilang live seller na si Natnat, habang si Matt naman ay si Tonton, childhood friend na matagal na niyang hindi nakikita.
Sa hindi inaasahang reunion nila, malalaman ni Natnat na si Tonton pala ang online troll na madalas manggulo sa mga livestreams niya.
Paano makakabawi si Tonton kay Natnat? Maamin din kaya ni Tonton na crush niya si Natnat simula pa noong mga bata sila?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "My Basher, My Lover," March 8, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents. Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.