
Siguradong patatawanin tayo nina Matt Lozano at Tommy Alejandrino sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Mag-a-undercover mission kasi sila bilang mga babae sa episode na pinamagatang "Revenge Girls."
Si Matt ay si Junnie Boy, na pinamanahan ng kanyang Mamita matapos siyang mamayapa. Bilin din niya na maglaan si Junnie Boy ng parte ng pamana sa dating kasintahan ni Mamita na si Gener.
Ngunit tutol si Junnie Boy sa pagbibigay ng pamana ng kanyang lola sa taong hindi niya kailanman nakilala.Kaya naman kasama ang kaibigang si Nato, na gagampanan ni Tommy, magkukunwari sila bilang lady housekeepers at mamamasukan sa bahay ni Gener.
Ano ang matututunan nila sa pagkilatis nila rito?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand new episode na "Revenge Girls," November 5, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Naka-livestreaming din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.