
Isang fun and meaningful chikahan ang pinagsaluhan ng Kapuso actor Matt Lozano, Mikee Quintos, at Chef Ylyt sa February 4 episode ng GTV cooking talk show na Lutong Bahay.
Hindi rin nakaligtas si Matt sa maaanghang na pang-iintriga ni Mikee sa “Kitchen-terrogate” segment ng Lutong Bahay at sinagot ang tanong na, “Bukod sa iyong mommy, kung mayroon kang iaangkas sa motor na female celebrity, sino 'yun at bakit?”
Diretsong sinagot naman ito ni Matt at umaming nais niyang iangkas ang Kapuso sexy star na si Max Collins.
Paliwanag nito, “Crush ko si Max Collins so gusto kong ma-feel niya kung ano 'yung nafi-feel ko kapag nagmo-motor.”
RELATED GALLERY: The fierce looks of Max Collins
Sa parehong episode ay ipinaliwanag ni Matt ang kaniyang feelings tuwing nag-mo-motor.
“Iba 'yung feeling sa akin. Iba 'yung pakiramdam na… parang mayroon kang freedom,” ani Matt.
Dagdag nito, “Alam mo, palagi kong naririnig 'yun, e, sa mga riders na palagi nilang sinasabi na freedom ang pakiramdam kapag [nag-da-drive].”
Ani pa nito ay ugali na rin niyang mag-motor sa iba't ibang lugar.
“I think it's your freedom kung paano mo papatakbuhin 'yung vehicle na 'to. [...] Parang may freedom ka kung saan ka pupunta. Ako kasi, 'pag sumasakay ako ng motor, wala naman akong pupuntahan. Ako, pagkasakay ko ng motor, [sasabihin ko], 'Bahala na saan ako dalhin,'” kuwento ng Kapuso actor.
RELATED GALLERY: MALE KAPUSO STARS AND THEIR LOVE FOR MOTORCYCLES