GMA Logo Matt Lozano, Anthony Rosaldo, and Garrett Bolden
What's Hot

Matt Lozano, gustong maka-collaborate sina Anthony Rosaldo at Garrett Bolden

By Aimee Anoc
Published May 15, 2022 9:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Pascal Siakam's 36-10 double-double powers Pacers past Bulls
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Matt Lozano, Anthony Rosaldo, and Garrett Bolden


Naghahanda ngayon si Matt Lozano para sa studio version ng bagong kanta, ang "Kwarto," na ilalabas sa May 20 sa ilalim ng GMA Music.

Bukod sa upcoming live-adaptation series na Voltes V: Legacy kung saan gaganap siya bilang si Big Bert, abala rin ngayon si Matt Lozano sa studio version ng bago niyang single, ang "Kwarto," na ilalabas ngayong May 20 sa ilalim ng GMA Music.

Sa interview sa GMANetwork.com, ibinahagi ni Matt ang ilan sa Kapuso singers na gusto niyang maka-collaborate.

Ayon sa singer-actor, kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais niyang maka-collab sa pagkanta sina Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo at Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden.

"Marami actually. Marami kasing magagaling na singers ang GMA. Pero gusto ko ring maka-collab sina Anthony Rosaldo, Garrett Bolden," sabi ni Matt.

Dagdag niya, "Iyan mga naging friends ko 'yan noong nag-guest ako sa All-Out Sundays. Siyempre iisa lang ang passion naming lahat which is art of music. So willing akong makipag-collaborate sa kanilang lahat."

Isang post na ibinahagi ni GMA Music (@gmamusic)

Samantala, maaari nang i-pre-order sa iTunes ang "Kwarto" hanggang May 19.

Mas kilalanin pa si Kapuso singer-actor Matt Lozano sa gallery na ito: