GMA Logo matt lozano
Source: mattlozanomusic (IG)
What's on TV

Matt Lozano, inaming gusto nang talikuran ang pag-aartista noon dahil sa kanyang timbang

By Jansen Ramos
Published April 11, 2023 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

matt lozano


Inamin ni 'Voltes V: Legacy' star Matt Lozano na naging insecurity niya ang kanyang timbang noon: “Dumating kasi ako sa point na dati na wala na, lahat ng pinag-o-audition-an ko, 'di naman ako nakukuha.”

Malaking parte ng acting career ni Matt Lozano ang Voltes V: Legacy, kung saan isa siya sa lead cast members.

Ayon sa Sparkle artist, kundi raw dahil dito, marahil ay wala na siya sa showbiz.

Pag-amin ni Matt sa panayam ng GMANetwork.com sa online mediaocon ng Voltes V: Legacy noong April 5, naging insecurity niya ang kanyang timbang na dahilan kung bakit nais na niyang talikuran ang pag-aartista noon.

"Dumating kasi ako sa point na dati na wala na, lahat ng pinag-o-audition-an ko, 'di naman ako nakukuha so nag-focus ako sa music," ani ng Spogify winner na recording artist na ngayon ng GMA Music.

Kung ano pa ang naging kahinaan niya noon, ito pa ang nagbukas ng oportunidad kay Matt para mapabilang sa pinakamalaking proyekto ng GMA ngayong taon. Nasungkit niya ang role na Robert "Big Bert" Armstrong, ang heavyweight defense tactician ng Voltes V team. Si Big Bert din ang kumokontrol sa Volt Panzer o sa body chest ng robot dahil sa kanyang built.

Dahil sa Voltes V: Legacy, malaki raw ang nagbago sa kanyang growth bilang artista.

Patuloy niya, "I think 'yung pinakanagbago lang sa 'kin is kung paano ako nag-perform sa Voltes V.

"I think there will be a lot of opportunities din for future projects hopefully. And kung 'di naman, siguro natutunan ko kasi kung paano ko ilaban kung ano 'yung kakayanin ko so 'yun tuloy-tuloy lang ang laban."

Ibinahagi naman ni Matt hindi pa rin nawawala ang kagustuhan niyang magbawas ng timbang, na next project na gagawin niya ngayong tapos na ang taping ng Voltes V: Legacy.

Magpe-premiere ang Voltes V: Legacy sa mga sinehan sa April 19 bago ito ipalabas sa telebisyon sa Mayo.

KILALANIN PA SI MATT LOZANO SA GALLERY NA ITO: