GMA Logo Matt Lozano
What's on TV

Matt Lozano, nais na magsulat ng kantang makapagbibigay pag-asa ngayong pandemya

By Aimee Anoc
Published January 13, 2022 7:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No new regulations vs imported cars, modifications, tire age — LTO chief Lacanilao
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Matt Lozano


"Ang sarap din kasi at the same time 'di ba naa-uplift mo 'yung mga tao? I think 'yun 'yung perfect ngayon na gusto kong masulat." - Matt Lozano

Sa interview sa Behind The Song Podcast, ibinahagi ni Matt Lozano ang pagnanais niya na makapagbigay pag-asa at inspirasyon sa mga kantang isinusulat niya.

"Gusto kong magsulat ng [song about hope]. Sobrang hopeful na song dahil sa nararamdaman natin dito sa pandemyang ito.

Matt Lozano

"Any singer or artist I think kayang-kaya kantahin 'yung ganung type of song. Ang sarap din kasi at the same time 'di ba naa-uplift mo 'yung mga tao? I think 'yun 'yung perfect ngayon na gusto kong masulat," pagbabahagi ni Matt.

Ayon kay Matt, aktibo pa rin siya sa pagsusulat ng kanta ngayong pandemya. Sa katunayan, nakapagsulat siya ng isang heartbreak song na pinamagatan niyang "Kwarto."

"Gusto ko lang i-share na nasulat ko 'yung kanta na hindi ko [mismo] na-experience. Na-experience 'yun ng kaibigan ko. Ang ginawa ko, sinuot ko lang 'yung sapatos ng kaibigan ko. Sinubukan ko lang na what if sa akin nangyari ito," dagdag niya.

Samantala, inilabas noong September 10, 2021 ang pinakabagong kanta ni Matt na "Walang Pipigil" sa ilalim ng GMA Music.

Panoorin ang buong interview ni Matt Lozano sa Behind The Song Podcast.

Mas kilalanin pa si Matt Lozano sa gallery na ito: