GMA Logo Matt Lozano
Source: Bubble Gang (YT)
What's on TV

Matt Lozano, official 'Bubble Gang' cast member na!

By Aedrianne Acar
Published October 1, 2023 10:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thai esports player expelled from SEA Games for cheating
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Matt Lozano


May big announcement na nangyari sa 'Bubble Gang!'

Napa-volt in sa tuwa ang Sparkle singer at actor na si Matt Lozano sa episode ng Bubble Gang ngayong October 1 nang ipaalam sa kanya nina Michael V. at Paolo Contis na last day na niya.

Last day na niya bilang guest dahil official Kababol na ang former Voltes V: Legacy star.

Matt Lozano official Ka Bubble

Source: Bubble Gang (YT) (IG)

Sa opening ng episode ng hit Kapuso gag show, napatanong si Matt sa mga Ka-Bubble kung hindi rin ba siya iwe-welcome bilang celebrity guest.

Sabi niya, “Wait lang! Teka lang. Bakit hindi ako n'yo man lang ako iwe-welcome?”

Tumugon naman ang ace comedian na si Michael V. na sinabing, “Matt, naku. Pasensya na kasi nakapag-decide ang management na kahit kailan hindi ka na namin ige-guest.”

Sinegundahan naman ito ni Paolo Contis, “Actually, hindi totoo. Kailangan naming sabihin sa'yo na itong episode na 'to, last guesting mo na 'to. Kasi next week, regular ka na.”

FIND OUT MORE ABOUT MATT LOZANO HERE:

Minahal ng viewers si Matt sa pagganap niya bilang Big Bert sa Voltes V: Legacy. Siya rin ang grand winner ng Eat Bulaga contest na "Spogify."

Abangan ang mga gagawin sketches at gags ni Matt bilang Ka-Bubble member sa Bubble Gang tuwing Sunday night sa oras na 6:45 pm.