GMA Logo matt lozano
What's on TV

Matt Lozano on his body: 'Ngayon, sobrang happy naman ako'

By Maine Aquino
Published June 14, 2023 11:43 AM PHT
Updated June 14, 2023 1:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

matt lozano


Isang mensahe ng self-love ang nais iparating ni Matt Lozano tungkol sa kaniyang pangangatawan.

Inamin ni Matt Lozano na masaya siya ngayon sa estado ng kaniyang pangangatawan.

Si Matt ay gumaganap na Big Bert Armstrong sa Voltes V: Legacy.

Ikinuwento ni Matt ang pagmamahal sa kaniyang pangangatawan at pag-promote ng body positivity nang siya ay bumisita sa Sarap, 'Di Ba? noong June 10.

PHOTO SOURCE: mattlozanomusic (IG)

Ani Matt, "Ngayon, sobrang happy naman ako at parang natutunan ko na mahalin ang sarili ko."

Dugtong pa ni Matt, mas mahalaga ang tamang pakikitungo sa kapwa.

"Kahit ano'ng size or shape hindi naman importante 'yun, as long as maganda 'yung pakikitungo mo sa mga tao."

Samantala, inamin ni Matt na gusto niya pa ring magbawas ng timbang para sa ikabubuti ng kalusugan.

"Gusto kong mag-diet din kasi para health," aniya.

Sa isang Instagram post noong May 8 ay inilahad na rin ni Matt ang kaniyang pagkawala ng self confidence dahil sa timbang. Nagbago ang lahat ng ibinigay raw ang role na Big Bert sa kaniya sa Voltes V: Legacy.

"Isa to sa pinaka memorable moment for me, naaalala ko from giving up sa industriyang ito, sa pagkawala ng confidence sa sarili dahil sa size ko, sa kabila ng lahat ng struggle ko, hindi ko akalain na mabibigyan ako ng isang napakalaking blessing ng malaking project kagaya nito. Pumunta ako ng audition sa GMA para sa role ni Big Bert ng kaba lang ang baon ko. Hanggang sa nakaharap ko si Direk Mark Reyes, sinabi ko sa sarili ko na this is my last chance kaya ibibigay ko na lahat."

A post shared by Matt Lozano (@mattlozanomusic)

SAMANTALA, KILALANIN PA NATIN SI MATT LOZANO DITO: