
Masayang binalikan ni Matt Lozano ang pinaka-memorable na moment niya kasama ang inang si Elaine, na isa ring singer tulad niya.
Sa pagdiriwang ng Mother's Day, ibinahagi ni Matt sa interview sa GMANetwork.com ang mensaheng nais niyang sabihin sa kanyang ina.
"Thank you sa lahat ng ginagawa mo for me. I know hindi naging madali 'yung buhay mo sa akin because of struggles in life. Pero kahit na nagkakaroon tayo ng problem sa family natin, because of you nagiging kumpleto pa rin tayong lahat at hindi nawawala 'yung pagmamahal mo sa aming lahat. Kaya naman sobrang thankful ako and I love you forever and ever," pagbabahagi ni Matt.
Kuwento ni Matt, noon pa man ay palagi nang nakasuporta ang ina sa kanyang career. Kaya naman hindi naiwasang maging emosyonal nito nang mabalitaang kasama siya sa live-adaptation series ng GMA na Voltes V: Legacy.
"Pinaka-favorite ko 'yung tumawag sa akin 'yung GMA tapos sinabi sa akin na ako na 'yung gaganap na Big Bert. Nagkatinginan kaming dalawa ni mama noon tapos umiyak siya. Sabi niya sa akin, 'Ito na 'yung matagal mong pinapangarap and I'm so proud of you.'"
Samantala, bukod sa Voltes V: Legacy, abala rin ngayon si Matt sa studio version ng kanyang single, ang "Kwarto," na ilalabas ngayong Mayo sa ilalim ng GMA Music.
Mas kilalanin pa si Kapuso singer-actor Matt Lozano sa gallery na ito: