GMA Logo Matt Lozano Daniela Stranner The Last Goodbye
Courtesy: Matt Lozano (TikTok), mavxproductions (IG)
What's Hot

Matt Lozano's TikTok video with Daniela Stranner goes viral

By EJ Chua
Published August 30, 2025 4:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran accuses Trump of encouraging political destabilization, inciting violence
Student harassed on the road by rider in Bacolod City
FPJ Sa G! Flicks: 'Asedillo' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Matt Lozano Daniela Stranner The Last Goodbye


Kinakikiligan online ang habulan scene ng 'The Last Goodbye' stars na sina Matt Lozano at Daniela Stranner sa isang TikTok video.

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang latest video ni Matt Lozano na mapapanood sa kaniyang TikTok account.

Pinusuan ng fans at netizens ang entry ni Matt sa isang TikTok trend, kung saan kasama niya ang kaniyang leading lady sa The Last Goodbye na si Daniela Stranner.

Ang kulitan moments nila sa naturang video ay talaga namang kinakiligan ng marami.

Mapapanood dito na ginaya nina Matt at Daniela ang ginawa ng ilang naunang sumubok sa TikTok trend, kung saan pagkatapos na sabay na humarap sa camera ay naghabulan na sila.

Sa video, si Matt ang naunang tumakbo at si Daniela naman ang humabol sa kaniya.

Sa kasalukuyan, mayroon nang halos 7 million views ang kanilang TikTok video.

@mattlozanomusic ❤️🏃🏃‍♀️@daniela.strannerrrr ♬ Bad Boys (Theme from Cops) - Inner Circle

Kamakailan lang, pinag-usapan din online ang acting skills na ipinakita ni Matt sa romantic comedy drama film na pinagbibidahan nila ni Daniela.

Pasok sa Top 10 list ng Netflix ang The Last Goodbye, at patuloy itong nakatatanggap ng papuri mula sa viewers at netizens.

Samantala, bukod kina Matt at Daniela, kabilang din sa cast ng pelikula sina Esnyr, Karina Bautista, Arlene Muhlach, Bodjie Pascua, at iba pang aktor.

Related gallery: Matt Lozano and Daniela Stranner's 'The Last Goodbye' holds premiere night