GMA Logo matthew mendoza
Source: MatthewKMendoza (IG)
What's on TV

Matthew Mendoza, ibinahagi ang pagpapalaki sa anak na may Down syndrome

By Kristian Eric Javier
Published July 10, 2026 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DepEd partners with 168 LGUs to strengthen classroom project monitoring
Effects of Kanlaon eruption persist in Cebu the day after
Heart Evangelista makes an appearance at Fendi show in Italy

Article Inside Page


Showbiz News

matthew mendoza


Ayon kay Matthew Mendoza, kailanman ay hindi nila naisip ng kanyang asawa na itago ang sitwasyon ng kanilang anak na may Down syndrome. Alamin ang buong kuwento rito:

Sa kabila ng pagkakaroon ng Down syndrome ng anak ni Matthew Mendoza na si Bea, sinigurado pa rin nila ng asawa niyang si Maya Flores na hindi nila itatago ang anak habang lumalaki siya.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwbes, July 9, inilahad ni Matthew ang karanasan nilang mag-asawa sa pagkakaroon ng anak na may Down syndrome para sa mga kapwa nilang mga magulang na may kaparehong sitwasyon.

Ani Matthew, “My wife and I, ever since na lumabas si Bea, hindi namin siya tinabi. Sinama namin siya sa regular, sa minastream. Kasi, kung tinatago mo, they won't grow.”

Sabi pa ng dating aktor, sa tulong ng proper attention, therapy, at “proper everything” ay makakasabay din sila kalaunan.

Sa katunayan, ani Matthew, “Bea is working sa school niya as an assistant teacher. From Monday to Friday, nagre-report talaga siya.”

KILALANIN ANG MGA MAGULANG NA NAGBAHAGI NG KANILANG KARANASAN NG PAG-AALAGA NG MGA ANAK NA MAY SPECIAL NEEDS SA GALLERY NA ITO:

Binalikan din ni King of Talk Boy Abunda ang pagkapanalo ng pelikulang I'm Perfect bilang Best Picture sa 2025 Metro Manila Film Festival. Bumida rito ang kaniyang anak na si Bea.

Ayon kay Matthew, bago pa ang pandemic ay gumawa na ng pilot episode para sa naturang pelikula at naimbitahan si Bea bilang isa sa mga lead cast nito. Ngunit habang naghahanap ng producer, dumating ang COVID-19 pandemic kaya nahinto ang produksyon.

“Then si Bea got much older. And then suddenly, may nakuha silang producer for the movie, and this is it,” sabi ni Matthew.

Para sa aktor, isang proud moment ang makita ang anak sa naturang pelikula.