GMA Logo Matthew Uy, Jillian Ward
Source: matthewuy_, jillian (Instagram)
Celebrity Life

Matthew Uy, natulala nang makita ang crush na si Jillian Ward

By Jimboy Napoles
Published January 17, 2024 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Matthew Uy, Jillian Ward


Ano kaya ang nangyari sa unang pagkikita ng Sparkle actor na si Matthew Uy at Jillian Ward?

Inamin ng newbie Sparkle actor na si Matthew Uy na hindi siya nakapagsalita nang makita ang kanyang longtime crush, ang Abot-Kamay Na Pangarap star na si Jillian Ward.

Sa programang Fast Talk with Boy Abunda, first time na sumalang ni Matthew sa isang interview kasama ang batikang TV host.

Isa sa mga buena manong tanong ni Boy Abunda kay Matthew ang tungkol kay Jillian.

“Sino si Jillian Ward sa buhay mo?” tanong ni Boy kay Matthew.

“Si Jillian Ward po matagal ko na po siyang crush before pa po ako mag-showbiz,” kinikilig na sinabi ng binatang aktor.

Kuwento ng aktor, hindi siya nakapagsalita nang una niyang makita sa personal si Jillian.

Aniya, “Sobrang na-starstruck po ako di po ako makapagsalita sa harap niya. Ano po parang nag-frozen po ako. Sabi ko lang po, 'Hi.'”

Samantala, napapanood ngayon si Matthew sa ikatlong kuwento ng Sparkle U series na Sparkle U: Soundtrip kasama sina Althea Ablan, Zephanie, at Michael Sager.