GMA Logo maui taylor breast implant
What's Hot

Maui Taylor, desidido nang ipatanggal ang isa sa best assets niya

By Dianara Alegre
Published February 18, 2021 11:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

8 Filipinos who brought glory to the Philippines in 2025
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

maui taylor breast implant


Bukod sa hindi na raw kumportable ang kanyang breast implants, nagbahagi pa si Maui Taylor ng mga dahilan sa desisyon niyang ipatanggal ang mga ito.

Nagdesisyon na ang dating sexy star na si Maui Taylor na ipatanggal ang kanyang naging puhunan nang nagsisimula pa lamang siya sa showbiz, ang kanyang breast implants.

Aminado ang aktres na noon ay kinailangan niya ng enhancements para kanyang mga naging proyekto.

Pero ngayon ay kumbinsido na siyang pwede siyang maging sexy kahit wala ang mga ito.

“Nung time namin po talagang kailangan meron kang enhancements.

"Pero ngayon, you can be sexy naman po even without that one, e,” lahad niya nang makapanayam ng 24 Oras.

Maui Taylor

Source: therealmauitaylor (Instagram)

Hindi na rin daw siya kumportable dahil bumibigat na raw ang silicone implants niya.

Bukod dito, sinabi ni Maui na hindi lamang para sa kanya ang desisyong ito kundi para rin sa kanyang mga anak.

“Naiilang na rin ako kapag meron akong eksena nan aka-bathing suit ako.

"It's time to take it down kasi, siyempre, meron akong two boys na pinapalaki na sobrang over protective din sa 'kin,” aniya.

Ikinuwento rin ng aktres na sa susunod na buwan na ang kanyang breast implant removal.

“Baka po itong March kasi naghahanap lang po ako ng free time sa schedule ko. It needs kasi atleast three weeks na healing period,” dagdag pa niya.

Maui Taylor

Source: therealmauitaylor (Instagram)

Bilang aktres, na ilang taon na ring nasa industriya, nais niyang makita naman ng publiko ang kanyang acting abilities gaya na lamang ipakikita sa bagong episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, February 20.

Kasama niya rito sina Jon Lucas, Ashley Rivera, at Biboy Ramirez.

“Kasambahay na pumasok na isang napaka-experimental na amo played by Jon Lucas.

"Namasukan po ako sa kanila ang then 'yung deepest darkest secret nilang mag-asawa ay na-discover ko,” paglalarawan ni Maui sa mapaghamong papel niya.

Si Jon ang gaganap na amo ng aktres dito.

“Nung na-discover po ni Ms. Maui 'yung deepest secret naming mag-asawa, siya naman po ang napag-eksperimentuhan namin.

"Sobrang grateful po ako na nabigyan ako ng chance na ma-portray po ang ganitong klaseng role,” ani Jon.

A post shared by Maui Anne Taylor (@therealmauitaylor)

Samantala, narito ang ilang celebrities na umaming sumailalim sa breast enhancement: