
Ngayong Sabado, January 8 sa Tadhana, tampok ang kuwento ng isang pari sa umaga, secret boyfriend sa gabi? Misis, inakit ang ex-boyfriend niyang pari ng ngayon. Lingkod ng Diyos, tumiklop kaya sa tukso ng dating jowa?
Magtatrabaho sa ibang bansa si Arthur (Mark Herras) upang guminhawa ang buhay ng kanyang misis na si Vivian (Maui Taylor) at anak-anakan nilang si Faith (Ella Cristofani).
Kaya naman para sa ligtas niyang pagbiyahe at pagtatrabaho, humingi sila ng basbas sa bagong kura paroko ng kanilang simbahan -- si Father Edgar (Vin Abrenica).
Lingid sa kaalaman ni Arthur, ang muling pagkikita pala nina Father Edgar at Vivian ay magbubunga ng isang malaking kasalanan! Ano kaya ito?
Abangan ang natatanging pagganap nina Vin Abrenica, Maui Taylor, at Mark Herras. Kasama rin sina Ella Cristofani, Kim de Leon, Crystal Paras, at Bryan Benedict.
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Kasalanan ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7!