
Saludo ang Viva Hot Babes member na si Maui Taylor na sa mga ginawa niyang sexy projects noon ay matino ang mga co-actor na nakasama niya sa eksena.
Ipinatawag ng Your Honor ang 43-year-old actress bilang resource person nila kahapon July 25 at dito tinanong siya ni Chariz Solomon kung nakaranas siya ng discomfort sa mga male actors na nakasama niya sa shooting.
Tanong ni Madam Cha, “Meron bang mga co-actor, okay usap tayo ganito gagawin natin. May blocking tayo, may choreo. 'Tapos hindi niya ginawa, lumagpas siya sa boundaries.”
“Wala akong na-ecounter na co-actor, wala talaga. In all fairness talaga sa mga co-actors ko like what I said, Wendell [Ramos], Antonio [Aquitania], Jay Manalo, Jordan [Herrera], wala!” Tugon agad ng former Lolong actress. “Lahat ng sinabi ni direk, 'eto lang, eto lang'. Walang lumilihis doon.”
Pero sa lahat ng co-actor niya, labis ang papuri at paghanga niya sa seasoned actor na Jay Manalo na inalagaan siya sa mga maseselan nilang eksena.
Pagbabalik-tanaw ni Maui, “Tsaka maalaga si Kuya Jay actually, maalaga siya sa mga eksenang ganiyan…. Talagang sasabihin niya, 'Oh! Dito lang ako hahalik sa'yo ah. Dito lang. Dadayain ko lang dito, tapos dito ka na lang sa lower thigh ko para magmukha na lang totoo 'yung scene natin'.”
“Tapos sabi niya sa akin, galingan na natin para one take lang.” Ito raw ang natutunan niya kay Jay Manalo. “Yan din 'yung palagi kong sinasabi. Sabi ko, 'let's just give it our best para hindi na tayo paulit-ulit sa eskena'. Kasi, nakakapagod din ah! Tapos, after the scene siya na 'yung magtatakip sa'yo. Kasi, palaging may naka-standby na yan sa gilid.”
RELATED CONTENT: Viva Hot Babes as strong, sexy, and empowered moms