GMA Logo maui taylor
Source: therealmauitaylor (Instagram)
What's Hot

Maui Taylor, may asim pa rin sa mga kabataan

By Nherz Almo
Published February 4, 2023 9:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain over parts of PH on first day of 2026 — PAGASA
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

maui taylor


Maui Taylor on her sexy image: “Natatawa ako kasi, 'Uy, umaabot pa ako hanggang 15 years old.'”

Masaya ang aktres na si Maui Taylor dahil tuluy-tuloy ang kanyang trabaho lalo nitong nakaraang pandemya.

Bukod sa pagiging bahagi ng hit fantasy series na Lolong, nakagawa rin si Maui anim na pelikula at isa rito ay ang Hello, Universe, na ipinalabas sa mga sinehan kamakailan.

Ayon kay Maui, hindi na inaasahan na magiging ganito aktibo ulit ang kanyang showbiz career dahil matagal din siyang nagpahinga para mag-focus sa kanyang mga anak.

“Gusto ko muna silang i-guide,” sabi ni Maui tungkol sa kanyang naging desisyon. Nakausap ng GMANetwork.com at ilang piling entertainment media ang aktres kamakailan.

Patuloy niya, “When I saw na medyo okay na, saka na lang ulit ako naging active. Kasi, di ba, sabi nila you have until 11 years old to instill the values of the kids, e.

“Ako naman, parang I always saw it na parang, why wait until seven? Bata pa lang, dapat isaksak mo na. Kaya ngayon, naiiwanan ko na sila.”

Nagkaroon lang daw ng malaking pagbabago sa kanilang mga nakagawian lalo na noong naka-lock-in taping sila para sa GMA Telebabad series na Lolong.

Lahad ni Maui, “Kasi, yung first lock-in namin is 40 days. Walang uwian 'yon. Umiiyak sila sa akin, 'Mommy, when are you coming home?' E, sakto na parang last 10 days na lang, kaya sabi ko, 'Malapit na ako.'”

Bagamat matagal nawalay sa mga anak nang nag-taping para sa serye, sa palagay ni Maui, “Worth it naman po yung kinalabasan [ng Lolong].”

Ayon kay Maui, muli siyang mapapanood sa pagbabalik ng serye. Pero bago ito, magkakaroon muna siya ng maising role sa upcoming GMA series na The Write One.

On her sexy image

Samantala, bagamat isa na siyang celebrity mom, patuloy pa rin daw siyang nakatatanggap ng mga paghanga mula sa kalalakihan, kahit sa mga kabataan, dahil sa kanyang sexy image.

“Natatawa ako kasi, parang feeling ko, siyempre, ang dami nang bago. Parang iisipin mo, 'Ay, nandito na sila.' 'Tapos, nakikita mo na, 'Uy, umaabot pa ako hanggang 15 years old.' Parang nakakatawa na, siyempre, cute. One time nga, sabi ko, 'Good influence pa ba ako sa mga bata?'

Para kay Maui, 50-50 raw ang pakiramdam niya sa tuwing naiisip pa rin ng tao ang kanyang pagiging sexy star.

Paliwanag niya, “Flattering na, in a way… Pero siyempre, gusto mo rin na medyo mag-move on na sa ganun image kasi, parang nai-stereotype na.

“Pero ako, as long as hindi ako nakikita ng mga tao na, you know, nakabihis ng ano in public or nagwawala in public. I guess, that would say a lot. Kumbaga, for me, actions speak louder din talaga than words.”

Kung mabibigyan daw ng pagkakataon, gusto sanang gumawa ni Maui ng mga proyekto mas naipapakita ang kanyang galing sa pag-arte kaysa sa kanyang sexy image.

“Like, character role, yung alam kong mapapalaban ako sa drama, sa iyakan. Alam ko naman na kaya ko, e. Kailangan ko lang ng right material, something that will challenge me. I mean, everything naman, like yung with Direk Joel Lamangan na Ang Huling Birhen sa Lupa [2003], it's challenging naman. I mean, sana more pa. Kumbaga, I want something that's really heavy talaga,” pagtatapos ni Maui.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG SA HOTTEST LOOKS NI MAUI TAYLOR DITO: