GMA Logo Maureen Larrazabal in Your Honor
What's on TV

Maureen Larrazabal, engaged na sa kaniyang long-time partner for 23 years

By Aedrianne Acar
Published September 12, 2026 8:45 PM PHT
Updated September 12, 2026 8:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MV June Aster death toll rises to 76; remains of dog recovered
The Young Achievers Podcast: Abi Marquez and her love for food
KALURKS!: Aiai Delas Alas at Kim Ji-soo, makakasama sa chismisan! (Episode 1 Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Maureen Larrazabal in Your Honor


Bakit hindi pa kasal ang versatile comedienne na si Maureen Larrazabal?

Sigurado masasabi n'yo na 'hashtag goals' ang love life ng 'Pepito Manaloto' star na si Maureen Larrazabal na happy sa kaniyang partner for more than two decades.

Sumalang sa session ng 'Your Honor' ang isa sa pinakamahusay na comedienne ng bansa at dito niya tinalakay ang opinyon tungkol sa pagpapakasal.

RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now

Ayon sa former 'Bubble Gang' talent na mas okay sa kanilang set-up ng kaniyang 'beh' na hindi magpakasal.

Paliwanag niya kina Chariz Solomon at Mikoy Morales, “Sa akin personally, hindi ko sinasabi na tularan ng nakakarami, pero sa personal na experience ko mas okay sa akin ang hindi kayo kasal. Kasi, twenty-three years na kami, I am happy.”

Kuntento rin daw sila sa kanilang pagsasama na pinatibay ng panahon. “Happy ako buo ang family ko. Happy kami sa bahay, okay kami na hindi namin naiisip na isyu ang piece of paper.”

Ngunit, may natanggap din daw si Maureen na judgement dahil sa stand niya na hindi magpakasal.

Pagbabalik-tanaw niya sa 'Your Honor,' “Malimit ako naju-judge because of that kasi 'yung way of living ko na parang, 'You are not married pero you are staying together' ganiyan, ganiyan. Palagi ako naju-judge pagdating diyan pero ako kasi 'yung judgement ng tao has nothing to do with yung buhay ko if I am happy na ganito ako, wala naman silang ambag sa mga binabayad, 'pag nagugutom ako ganiyan. So, mas kinikilingan ko 'yung desisyon ko na masaya ako ganito.”

Nasorpresa rin sina Madam Cha at Vice Chair Pro Tempore Mikoy nang biglang amin ng co-star nila sa Pepito Manaloto na engaged na rin siya.

Lahad ni Mau, “Well, binigyan na niya ako ng engagement ring, so, meron kami, nagplano na rin kami pero hindi pa namin alam. Siguro, pagka-sixty plus na kami ganiyan.”

Mapapakinggan din ang full episodes ng YouLOL Originals podcast sa Spotify, Apple Podcast, at ibang pang streaming sites.

RELATED CONTENT: Celebrities and their dazzling engagement rings