GMA Logo
What's on TV

Maureen Larrazabal, makakasama nina Boobay at Tekla sa bagong episode ng 'TBATS'

By Cherry Sun
Published March 27, 2020 7:09 PM PHT
Updated March 28, 2020 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Isa na namang bagong episode ang hatid ng 'The Boobay and Tekla Show' sa kabila ng COVID-19 pandemic. At si Maureen Larrazabal ang makakasama ng fun-tastic duo ngayong Linggo, March 29.

Isa na namang bagong episode ang hatid ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) sa kabila ng COVID-19 pandemic. At si Maureen Larrazabal ang makakasama ng fun-tastic duo ngayong Linggo, March 29.

Si Maureen ang celebrity accomplice nina Boobay at Tekla sa 'Pranking in Tandem.' Tampok sa segment ang bikitma na isang magtatawas at ang surprise appearance ng impersonator ni Ed Caluag.

Samantala, mapapanood din sa TBATS ang pinakabagong beauty contest ng mga mga babaeng may edad 50 pataas, ang 'Mama Asim 2020.'

Mapatunayan kaya ng tatlong nanay na hindi sila napaglipasan ng panahon sa pagsayaw sa mga kanta nina Katy Perry, Shawn Mendez, Camilla Cabello at Black Pink? Kaabang-abang din ang kanilang nakakatawang Q&A portion.

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, March 29, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!