GMA Logo maureen larrazabal
Source: maureenelarrazabalofficial (IG) & GMA Network
What's Hot

Maureen Larrazabal, malaki ang pasasalamat sa 'Pepito Manaloto' at 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Published February 6, 2025 11:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

8 New Year's Eve countdown parties in Metro Manila to welcome 2026
Lifestyleverse: Quick tour inside Mandarin Bay in Boracay
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

maureen larrazabal


Maureen Larrazabal: "I'm thankful because ito ang bumuo ng buong career ko bilang artista."

Dalawang iconic comedy programs ng GMA Network ang magdiriwang ng anibersaryo ngayong 2025.

Ang Pepito Manaloto tutungtong na sa ika-15 na taon nit habang ang Bubble Gang ay ise-celebrate ang 30th anniversary sa huling bahagi ng taon.

Kaya naman taos-puso ang pasasalamat ng Kapuso comedienne na si Maureen Larrazabal, na naging bahagi ng dalawang bigating programa.

Sa panayam sa kaniya ng GMANetwork.com sa More Tawa, More Saya: A GMA Comedy Show noong nakaraang buwan sinabi ni Maureen, “Palagi ko sinasabi yan, I'm very grateful, I'm thankful because ito ang bumuo ng buong career ko bilang artista.

“Ang 11 years ng Bubble Gang kung saan kasama ko and 'yung 14 years ng Pepito Manaloto, ito 'yung mga number one shows ng GMA. So, ano pa ba masasabi mo kung hindi, Diyos ko po, maraming-maraming Salamat.”

Dagdag niya, “Walang ganitong katagal yata sa mga history ng mga komedyante na tumagal ng 11 years sa Bubble Gang. At the same time, tumagal din ng 14 years and even counting sa Pepito Manaloto, kung hindi ako lang. So, ang saya-saya ko, I'm very grateful sa GMA, sa mga fans na kahit papaano, talagang 'pag naglalakad ka hindi ka puwedeng, hindi ma-recognize because of these shows, e.”

Maureen Larrazabal

Source: maureenelarrazabalofficial (IG)

Kung bibigyan din siya ng pagkakataon na makapag-suggest ng concept para naman sa 15th anniversary ng Pepito Manaloto, gusto raw ni Maureen na makasalamuha nilang cast ang ilan sa avid fans ng show.

Aniya, “Isang gusto ko gawin magsama-sama ng normal na tao sa Pepito Manaloto para ma-experience nila kung gaano kasaya ang pamilya ng Pepito Manaloto. Makita nila one point in their life, may makakapagsabi, 'Uy! Nakasama ko sila and ito talaga sila in real life.'”

“Because wala naman talaga nakakakilala sa Pepito Manaloto. Kilala kami as our characters, pero 'yung personal na makasama namin sila, siyempre, gusto rin namin na kahit papaano meron kaming makasama sa mga talagang avid fan ng Pepito Manaloto.”

Kapuso comedy stars unite for 'More Tawa, More Saya: A GMA Comedy Show'

Kaya para sa "More Tawa, More Saya" na weekend tutukan ang Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento tuwing Sabado ng gabi, 7:15 pm.

Simula naman ngayong Linggo, February 9, mapapanood ang longest-running gag show na Bubble Gang sa bago nitong oras na 7:15 pm na rin.